Valeen's POV "Ano ba yan? Ano ba yan, Valeen!" Paulit ulit kong bulong sa sarili habang pabalik balik sa kusina. Kung naibabaon lang ang sarili sa lupa ay malamang na kanina pa ako nag-volunteer para matapos na ito! Manhid na manhid ang mukha ko at ramdam na ramdam kong pulang pula ito ngayon! Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang may hinahabol na kung ano. Kabang kaba ako at hiyang hiya din! Mariing napapikit ako pero agad ding napadilat nang maalala ko ang nangyari kani kanina lang. Mabilis na napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagragasa ng hindi maipaliwanag na kaba. Nararamdaman ko parin ang mga labi niya! Agad na tumakbo ako sa lababo at agad binasa ng tubig ang labi ko. Napasandal ako sa sink pagkatapos. First kiss.. Wala na ang first ki