Valeen's POV Nag-alangan pa kong pumasok pero hinatak na agad ako ng asawa nung mama na gwapo matapos kong ibigay sa kanya 'yong wallet. Hindi ko mapigilang mamangha nang makapasok sa loob ng gate nila. Bumungad sa akin ang garden na ang ganda ng landscape. Sobrang dami pang roses na nakatanim. At halatang alagang alaga ang mga iyon. Nakita ko rin ang swimming pool nila na hindi kalakihan. Ang linis ng tubig na para bang nang-aakit na lumusong ka duon. "Halika, Valeen. Tuloy ka!" anyaya ng asawa nung mamang gwapo. Dyahe naman dahil hindi ko naitanong 'yong pangalan n'ya. "Upo ka! Saglit lang at tatawagin ko ang Hubby ko," paakyat pa lang ito ay tinatawag na nito ang asawa. Napangiti ako. Mukhang masayahin ito at mabait. At napakaganda pa! Umupo ako sa sofa nila na nakakahiyang upuan dah