Valeen's POV Hindi ako makatulog kaya bumangon ako para magpahangin muna. Sinilip ko ang orasan at nakita kong mag-aalas diyes na ng gabi. Nagdalawang isip pa ako kung lalabas pa ako pero sa huli ay hinatid ako ng mga paa ko direksiyon ng garden. Huminga ako ng malalim habang palapit duon. Tahimik na ang paligid at malamang ay tulog na lahat ng tao. Natanaw ko ang swimming pool at tumama sa mata ko ang liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa gilid ng pool at nagrereflect iyon sa tubig. Excited na lumakad ako palapit duon. Masarap ang hangin at nakakarelax ang pwestong iyon lalo na pag ganitong gabi. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong nag-istrum sa di kalayuan. Luminga ako at nakita kong may lalaking nakaupo sa bandang kanan ng pool at may hawak hawak na gitara.