Valeen's POV Naiinis na tinalikuran ko si Dave at dali daling pumunta sa meat section para magtingin ng karne ng baka para sa gagawing beef and broccoli. "Sabi na kasing maiwan na lang sa kotse eh!" Naiinis pa rin na bulong ko habang namimili ng karne. Kanina pa siya nang-aasar. Ang yabang yabang talaga niya. Ang bilis uminit ng ulo. Daig pa niya ang babaeng nagmemenopause kung makasigaw! Nakakatakot ang itsura niya habang nakabuntot sa akin kanina. Inagaw kasi niya 'yong cart kaya no choice siya kundi sumunod sa akin. Sa totoo lang ay hindi madaling mamili ng mga gulay. Kailangan mo pang suriin ng mabuti dahil 'yong iba, mukha lang fresh pero hindi naman pala. At itong si Dave ay isa talagang malaking hadlang sa pamimili ko! Wala akong narinig kundi "tss.." dito "that one looks fine.."