Collins: NANG MAKALMA KO na ang sarili ay mabilis kong pinaharurot ang kotse ko pabalik ng condominium. Bahala na kung magpang-abot kami ni Devon. Hindi ako mananahimik lang at manonood sa tabi. Dama ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang palapit ako nang palapit ng condominium namin. Para akong naiipit sa mga oras na 'to na siyang ikinakasikip ng dibdib ko. Patakbo akong nagtungo ng elevator para mapuntahan si Rachel sa unit nila! Baka mamaya niyan ay paalis na pala sila ng bansa na hindi ko namamalayan. Panay ang buga ko ng hangin at pinagpapawisan ng malapot habang pataas nang pataas ang elevator. Hindi ako mapakali! Para akong sinisilaban sa mga oras na 'to sa mga nangyayari at mangyayari pa lang. Malakas ang kutob kong tama ang mga tumatakbo sa isip ko pero kailangan ko ng sapa