Rain: NAKANGUSO AKONG tumuloy na lamang sa station namin. Mabuti na lang mas maaga kami ngayon kaya wala pa ang ibang kasabayan kong mag-shift sa maghapon. "Honey" napairap ako ditong sumunod din pala nagpayakap at halik pa don sa babae niya. "Hey, galit ka ba?" napapihit ako paharap dito na nakataas ang kilay. Namutla naman itong napaiwas ng tingin sa mga mata ko. "Hindi. Natutuwa nga ako eh. Tuwang-tuwa Collins Montereal" sarkastikong saad ko na ngumiti ng hilaw ditong napangiwi at kamot sa batok. "Sorry po, kasalanan ko bang habulin ako?" nangingiting katwiran nito na napapataasbaba pa ng kilay. Pinaningkitan ko itong napalapad lang lalo ang pagkakangiti kaya halos magsara na ang mga matang chinito. "Kasalanan mo, babaero!" ismid kong ikinahalakhak nitong yumakap mula sa likuran ko