Her Pov : NAPAPALINGA AKO dito sa likod ng bahay kung saan may taniman ng mga gulay na okra, talong, kamatis, pechay at iba pa. Ayon kay tita Donna ganto daw talaga sa probinsya. May mga sariling pananim na gulay sa bakuran para hindi mo na kailangan pang bumili. Bumalik na rin si kuya Cloud sa syudad pero alam ko namang mahigpit niya akong pinapabantayan kay tita Donna. Alam ko 'yon, dahil ramdam kong laging nakatutok sa akin ang mga mata nito. Kinuha din niya ang wallet at cellphone ko kaya wala akong magagamit. Nahihiya naman ako kay tita na humiram sa cellphone nito dahil tiyak naman akong hindi niya ako pahihiraman. Napangiti akong napaupo na nagsimulang umani ng mga gulay na uulamin namin para sa hapunan. Nababagot na kasi ako sa loob ng bahay na walang ibang ginagawa kundi kumai