Rain: HINDI AKO makakilos mula sa pagkakayakap nitong mukhang kanina pa ako hinihintay bumalik ng cottage. Kahit pinipigilan ko ang luha ko ay patuloy pa rin ang mga itong naglalaglagan. "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry" mapait akong napangiti sa paulit-ulit nitong paghingi ng tawad habang yakap ako. Pilit kong binaklas ang pagkakayakap nito sa akin at pumihit paharap dito. Kahit napakalamlam ng ilaw dito na nagmumula pa sa labas dito sa kinaroroonan namin ay kita ko namang patuloy pa rin itong lumuluha na matamang nakatitig sa akin. "B-Bakit?" napailing itong yumuko na yumugyog ang balikat. "I'm sorry" "Collins hindi 'yan ang gusto kong marinig mula sayo" madiing saad ko na pilit pina-normal ang tonong hwag pumiyok. Nanatili lang naman itong nakayuko na humihikbi. "Ayaw mong magsa