CHAPTER FIFTEEN

2798 Words

“O, SIGE na at maligo ka na,” taboy kay Riya ni Manang Melda pagkapasok nito sa silid ni Liby sa ganap na ala-singko ng hapon. Nag-volunteer kasi ito na ito ang magbabantay kay Liby sa hapon pagkatapos nitong maghanda para sa hapunan upang makapaligo at makapag-ayos siya ng sarili. “Aba, sino nga ang maganda, ha? Sino ba, ineng?” Pinaliit ni Manang Melda ang boses at kinili-kiliti ang dibdib ni Liby na gusting-gusto naman ng sanggol at kuntodo sa pagbungisngis na akala mo naman ay naiintindihan ang sinasabi ng matanda. “Mabilis lang ho akong maligo, manang. Salamat ho,” aniya bago iniwan ang matanda na tumango lang sa kaniya. Paglabas niya ay kasalukuyan nang pinapalitan ni Manang Melda ng diaper si Liby. “Sino ang pumupu?” playful na sambit ni Manang Melda na tinawanang muli ni Liby.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD