CHAPTER ELEVEN

2057 Words

KAPALILIGO pa lang ni Riya kay Liby at kasalukuyan itong binibihisan nang pumasok sa kuwarto ng sanggol si Mrs. Vera Olivarez na magiliw siyang binati. Buong tamis naman niyang nginitian ang ginang ngunit bigla ring naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang makita sa bungad ng pintuan ang anak nitong sinalo na yata ang lahat ng kasamaan ng ugali noong ipinanganak ito at nuknukan nang suplado. Hindi pa man nga kasi ganap na nakakapasok sa silid ang lalaki at nasa bukana pa lamang ng pintuan ay sambakol na kaagad ang mukha nito. Ibinalik na lang niya ang atensyon kay Liby at ipinagpatuloy ang pagbibihis dito habang sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang pumasok na rin ang binata sa silid bagama’t tumigil din sa may makapasok ng pintuan. “Hello, my princess!” bati naman kaagad ng matand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD