Chapter 5 | Second Chance

1587 Words
[Sitti] Maliban sa Sitti’s Haven ang maliit na restaurant ko sa ground floor ng Fey Hotels sa Quezon City. I also oversee our hotels and resorts in Tagaytay, Boracay, Palawan, Cebu and Davao. Siguro co-incidence lang na nagkita kami ni Lance sa Tagaytay. Subalit alam kong hindi pagkakataon lang ang may mangyari sa aming dalawa matapos kaming magkitang muli. Iyon ay sidhi ng damdamin na kahit itago ko pa ay sariling katawan ko na ang nakakikilala sa lalaking una kong minahal. Matapos kaming magkita. Gumulo na sa isipan ko kung dapat bang ipagtapat ko ang tungkol sa aming anak. A week had passed naglalaro pa rin sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa amin. I can imagine how Lance pleaded for me to come back to him. Kahit ako ang may kasalan si Lance pa rin ang nagpakumbaba. Just like before in Barcelona. Sa loob ng limang taon kaming magkasintahan he was always the one to apologize even if it was my mistake. I was too self-centered. Ni hindi ko noon naisip ang naramdaman ni Lance ng iniwan ko siya. Dahil lang sa nakita ko itong may kasamang iba. Binigyan ko sana siya ng pagkakataon magpaliwanag noon. Ayoko ng niloloko. It was just right back then na iniwan ko siya. We shared our experiences through the years na wala kami sa piling ng isa't isa. After naming magusap alam kong nagkapatawaran na kami. Makailang ulit ako nitong tinanong kung bakit ko siya iniwan. Wala akong maisagot. Nahihiya ako sa katotohanang naduwag ako. Hindi ko napanindigan ang pangako ko sa kaniyang magmamahalan kami hanggang wakas. Dahil nagawang kong ipagpalit sa mana ko sa aking ama ang relasyon naming dalawa. Nagpatalo ako sa galit. Sampung taon na ang lumipas. I can deny it but my heart can’t. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. When he left the resort ibinigay nito sa akin ang isang calling card na hindi ko naman pinagtuunan pansin. Hanggang sa naisipang kong puntahan siya. Napagpasyahan kong ipagtapat kay Lancelot ang tungkol sa aming anak. Naglakas loob akong puntahan siya sa kaniyang opisina sa Cebu. # # # A month earlier . . . Malapit sa Macaran Airport ang address na nakasaad sa calling card. Palinga-linga ako sa building na aking pinasukan. Napakatayog noon. Iyon na yata ang pinakamataas na gusali sa ciudad ng Cebu. ‘Monreal Group of Companies.’ They had tight security. Hindi basta-basta makakapasok sa loob ng building. Pinatala ng guwardiya ang aking pangalan. Humingi rin ito ng ID. “Ma’am kailangan ninyo pong itala ang pangalan ninyo dito sa guest log book. Mag-iwan rin po kayo ng ID.” “Ang higpit naman po ng kumpanya ninyo,” anas ako. “Istrikto po talaga si bossing. Hindi po basta-basta nagpapasok ng kung sino dito sa Monreal.” “Ah, Manong Guard, ano’ng negosyo po ng Monreal?” “Ma’am sa ganda ninyong ‘yan. Saan ba kayo nanggaling na planeta?” “Sa Venus po. Alien po kasi ako kaya hindi ko po alam.” “Joker ka pala ma’am,” anas ng guard. “Sitti po ang pangalan ko hindi po ma’am.” “Miss Sitti, sino hong sadya ninyo rito?” “Ah, si Attorney Javier po,” sagot ko. “Naku, Miss Sitti. Baka pabalikin kayo bukas. By appointment po kay master.” “Master?” “Ah, si bossing po. ‘Master’ ang tawag namin sa kaniya. Kailangan mo ng appointment para makausap ang amo ko.” “You mean he’s your boss? Lance owns this building?” Napahangang tanong ko sa guwardiya. If I was younger, I had probably have made a scene in the lobby. ‘Kilala ko nga ba si Lancelot Javier? Iyon nga ba ang pangalan niya? Maraming naglarong katunungan sa isipan ko. Bakit Monreal? Maari namang Javier or Lancelot. “Opo. Hindi lang ito marami pang iba’t ibang negosyo.” “Hindi na po siya nagtatrabaho sa mga Madrigal?” “Naku, business partner niya na ngayon si Architect Madrigal. Desenyo nila itong magkaibigan.” “Matagal na po ba ang Monreal?” “Matagal-tagal na rin. Mag-pipitong taon na. Ang dami mo namang tanong Miss Sitti. Kaano-ano ninyo ba si bossing?” Gusto ko ng sabihin sa security guard at receptionist na nobyo ko ang may nagmamayari ng building na iyon. Subalit hindi ko naman maipagsigawan dahil hindi ko naman alam kung ano nga ba kami ni Lance. Yes we shared a wild night a few days ago. Perhaps, masasabi kong nakaigihan kaming muli. However, wala naman label ang relasyon namin. Hindi katulad noon na ipinagmamalaki kong ako ang katipan niya. I can still remember the envious girls in Cardinal during college back in Barcelona. Naalala ko pa ang bawat sandali how Lance was so proud na ako ang nobya niya. Matapos ay itinuro ako ni manong guard sa receptionist. “Ma’am Misty, paki-tulongan si Miss Sitti. Si bossing raw ang sadya,”wika ni manong guard na George ang pangalan. “Salamat Manong George. Kung magawi kayo sa Maynila. Pumunta po kayo sa restaurant ko. Sitti’s Haven po sa QC. I treat you to a lunchean.” “Naku! Salamt po. Hindi ko ‘yan kakalimutan Miss Sitti. Oh, Misty ikaw na bahala sa bisita ni bossing.” “How may I help you, ma’am?” Plangiti ito. Lance sure know how to pick a employees. Front desk pa lang excellent customer service na. “I’d like to speak to Attorney Javier,” sagot ko sa bata pang receptionist. “You have to make an appointment ma’—” “Felicity Saavedra.” “Miss Saavedra, bumalik na lamang po kayo bukas. ” “Galing pa ako ng Maynila.It’s an urgent family matter. I need to speak to him, please. Five minutes. That’s all I need,” paliwanag ko rito. I never experienced begging in my entire life. Nasanay akong ibinibigay ni Daddy ang lahat ng gustohin ko. Nasanay akong nasusunod lahat ng gusto ko. Pumayag man ang mga magulang ko o hindi. Kapag naisipan ko ginagawa ko. Ngayon iba na sa ang sitwasyon. Para sa anak ko. Gagawin ko ang lahat kahit na magmakaawa pa ako. “Maupo muna po kayo. Tatawagan ko lang ang sekretarya ni Atty. Javier. Let me see what I can do,” anito. “Maraming salamat.” Makailang beses akong nitong sinulyapan. I can hear how she described me on sa telepono. Makailang tango ang sinagot nito na animo’y nakikita ng kausap niya ang kaniyang mga sagot. [Miss Helena, papasukin ko ba?] [Kamukha siya noong babae sa kuwadro sa opisina ni attorney.] [Yes po. Okay.] Sagot nito sa telepono matapos ay tinawag ako. . . ” Miss Saavedra, you may follow me,” aniya. Sinundan ko ito hanggang sa tumigil siya sa isang elevator. Pang-isahan lamang iyon. Pinapasok niya ako sa elevator tapos pinindot ang numerong 37. ” This private elevator will take you directly to my masters office on the thirty seventh floor, Miss Saavedra. When you reach the top. Kakaliwa po kayo pagkalabas ng elevator. Makikita ninyo agad ang opisina ni Attorney Javier. Iyong sa kanan sa kaniya. Iyong sa kaliwang opisina ay kay Attorney Florendo.” “Maraming salamat.” “Walang anuman, Miss Saavedra.” I was stunned of how luxurious Monreal Group of Companies were. Inakala ko na doon ang bagong trabaho ni Lance. I never thought that the building was his. First naisip ko na architect pa rin siya sa Madrigal Holdings and Reality. Iyon ang naikuwento sa akin ni James nang minsan magkasalabong kami sa Davao. Subalit iba naman ang nakasulat sa calling card na iniwan sa akin ni Lance. ‘Attorney Lancelot Javier. Monreal Group of Companies Cebu Branch’ Akala ko ay corporate lawyer lamang si Lance ng mga Monreal. I was mesmerized by how modern the building was. I didn’t have to touch any of the doors. They all have sensors automatic lahat. Maging ang dereksyon ng pupuntahan ay may sensor at mayro'n voice recording guide. Kaya imposibleng maligaw kung saan pupunta. The answering machine will guide anyone that enters the thirty seventh floor to the designated room. The sliding door slowly opened automatically nang tumapat ako sa may pintuan ng opisina ni Lance. I stood frozen when I saw Lancelot with another woman. They seemed to be kissing each other or they were kissing each other. I froze. Frozen as ice. Galit. Galit agad ang naramdaman ko. Kusang nanigas ang katawan ko. My hands form into a fist ready to punch him subalit hindi ko nagawa. Hindi ko namalayang pumupatak na pala ang aking mga luha. As soon as napansin ni Lance na nakatayo ako sa tarangkahan ng kaniyang opisina. I run to the atmost speed. Maging ang ID na pinaiwan ng security guard ay nakaligtaan ko. “Fey! Wait up!” Narinig ko pang sigaw niya. “’Felicity Saavedra. Stay where you are!” Utos nito subalit hindi ko siya pinakinggan. Patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Matapos may mangyari sa aming dalawa. Kay bilis niya namang makahanap ng iba. Hindi ko naisip na baka may bago na itong kasintahan. ‘Akala ko gusto mo akong muling makasama? Why do you have to break me over again, Lancel?’ I was hurting dahil umasa ako na mahal niya pa rin ako. Nagpakatanga ako na kami pa rin sa huli. All because he pleaded, and I was ready to give him a second chance. Handa na ako. Handang-handa na sanang ipakilala si Logan sa kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD