[Sitti] Ginusto ko rin na manatili na lamang sa bahay niya dahil mas malapit sa eskuwelahan ang apartment ni Lance. Walking distance lamang iyon. Samantalang ako, I need to commute half an hour to an hour depending on the traffic. Madalas rin naman akong natutulog sa apartment niya. Sa tuwing wala kaming pasok sa eskuwela at wala siyang trabaho sa café. Kung saan saan kami napadpad ni Lance noon. He spoiled me so much na kinokosente nito ang madalas na pagpunta namin sa kung saan - saan. Hindi lang ‘yon. He showered me with all these luxury item na ang iba ay hindi ko naman kailangan. He said he wants only the best for me. "So, you can save up sa renta. May trabaho naman ako. Café attendant nga lang but I earn a lot from the tips. ” Nagpauto naman ako sa kaniya na dahil sa tips kaya