CHAPTER 35

1061 Words
Hindi man umayos ang postura nito sa pagkakatayo at kusa na lamang pumasok sa loob ng kwarto ko ng walang pahintulot ko. Nakamaang ko siyang sinundan ng tingung nang huminto ito sa paglalakad at tila ba ineksamin ang kabuuan ng kwarto ko. Nang magsawa ay nakahalukipkip pa rin itong bumaling sakin at isang ngisi ang iginawad sa nagugulat kong kabuuan. "Masaya ba sa kwarto ko?" Sarkastiko nyang ani dahilan upang ang nagugulat kong reaksyon ay tuluyang nawala at binigyan siya ng blangkong tingin. "Dati rati ay ako ang donya rito. Ako ang sinusunod ng mga katulong. Ako ang mahal ng mga parents ko at lalong lalo na, na ako ang mahal ni Coby" kwento nya pero hindi ako kumibo dahil paniguradong susundan pa nya ang mga lintanya nya. "Pero nagbago lang ang lahat simula nung dumating ka. Hindi na nila ako tinuring na espesyal sa bahay na ito. Palaging ikaw ang nakikita nila. Ikaw na lang ang parating tama. Ako na lang ang parating mali. Ikaw na lang ang parating espesyal habang ako naman ang palaging patapon. Ikaw na lang parati ang nakakakuha ng atensyon nila-- sabihin mo nga sakin.." don lang siya tumitig ng tila ba nalilito sakin. Nalilito sa lahat ng nangyayari. "Ano ang meron ka na wala ako? Ano ang meron sayo para magawa ka nilang pahalagahan ng ganyan? Ano ang meron sayo para madali na lamang nila akong balewalain? Anong meron sayo para mahalin ka nila ng ganyan?!" Sigaw nya kasabay ng pagduro sakin "Simple lang.." kibit balikat kong ani na nagpaawang sa bibig nya. Tila ba namamangha dahil sa pagsagot ko sa kanya. "Ako ang totoong Aubrey at ikaw ang clone" ani ko dahilan upang lumapit sya sakin at sinugod ako ng sabunot. Nagpambuno kami sa sabunutan hanggang sa mapahiga kami sa sahig at doon na naglaban. Ginagamit nya pa ang isang paa upang maabot ako ng sipa sa mukha pero mabuti na lamang at napipigilan ko ito ng kaliwa kong kamay kasabay ng pag iwas. Ilang segundo pa ang naging laban namin hanggang sa makakuha ako ng lakas at nakatayo ako. Huli siyang gumapang upang makatayo. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa itsura nya. "Hindi ka mahal ni Coby dahil hindi siya marunong magmahal ng sadista !" Sigaw ko sa kanya dahilan upang muli siyang sumugod at itinulak ako. Dahil sa hindi inaasahang kilos ay kaagad akong natumba at tumama ang ulo ko sa cabinet na malapit sa kama ko. Nung una ay medyo namanhid ang katawan ko na di kalaunan ay nadagdagan ng nakakakilabot na hilo. Dumoble ang katawan nya sa paningin ko. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtulo ng likido sa pagitan ng dalawa kong mata pababa sa ilong ko. Di kalaunan ay naamoy ko ang pamilyar na amoy sakin. Malansa-- dugo. Kita ko ang gulat sa mukha nya pero agad rin yong natabunan ng makarinig kami ng sunod sunod na yapak palapit samin. "Omhayghaaad !" Sigaw ni Mommy bago tinabig si Aubrey at agad na lumapit sakin upang ikalong ako sa bisig nya. Di ko rin inaasahang mapapalingon ako kay Aubrey at nakita ko sa kabuuan ng mukha nito ang labis na galit at pagkamuhi lalo na nung makita nya ang pag aalala ni Mommy. "Tawagin mo sila sa baba Aubrey. Ano ba !!" Sigaw ni Mommy sa kanya. Hindi ko siya nakitang kumilos at hindi ko na rin nakita ang mga sumunod na nangyari nang sandaling mawalan ako ng malay. "She's a criminal" rinig kong bulalas ni Mommy sa tabi ko pero hindi ko man lang nagawang magmulat ng mata. Ramdam ko ang paghawak nya sa kamay ko at maging ang pagsalikop ng mga daliri nya sa pagitan ng daliri ko. "Please wake up Thalia-anak" pakiusap nito habang gumagaralgal ang boses. Pinakinggan ko lamang siya dahil magpahanggang ngayon ay nanghihina ako. Ramdam ko rin ang pangingirot ng ulo ko na talaga namang nakakaubos ng lakas sa twing may pipintig na kung ano roon. "Sinaktan nya ang apo ko Carina. Hanggang kelan mo ba ipaglalaban yang kustodiya ng batang yon?" Bakas ang inis sa boses ni Lola dahilan upang mangamba pa ako para kay Elise-- kay Aubrey. Hindi ko yata kakayanin na mawalan muli siya ng pamilya ngayong nandito na ako. "Anong sabi ng doktor?" Patuloy nya pa dahilan upang mas rumiin ang paghawak nya sa kamay ko. "Minor lang naman ang natamo nya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya nagigising--" "Kasalanan yan ng ampon mo. Kung hindi ko pa malalaman kay Piyang na sumugod sa kwarto ni Aubrey yang ampon mo-- hindi ko pa malalaman?" Bakas ang inis sa tono ni Lola kaya naman mas lalo akong nangilabot. "As soon as possible. Gusto kong mapalayas yang ampon mo--" "Mom--" don lang sumabat si Dad pero agad rin itong huminto nang nagsalita si Lola at hindi man lang siya pinatapos. "No but's. Tanggalan nyo siya ng karapatan sa lahat na nagmumula sa pamilyang ito" ani nito na bakas ang galit sa tinig. "Isn't it unfair?" Tanong ni Lolo. "I mean, she's with us for more than 12 consecutive years tapos tatanggalan lang natin siya ng karapatan--" "Anong ineexpect mo? Papamanahan natin siya?-- no way." Saad ni Lola. "Tanggalan nyo sya ng karapatan dahil kapag hindi nyo nagawa yon sa loob ng dalawang linggo-- sa kangkungan pupulutin ang batang yan kapag ako ang umayos sa gusot nyo" banta nya bago ko narinig ang sunod sunod na yapak palabas at maging ang kalabog ng pagbukas-sara ng pinto. "I think, she's right" rinig kong ani ni Daddy bago ko naramdaman ang haplos nya sa noo. "She hurt my child. Hindi ako nagpalaki ng isang kriminal" ani pa nya bago inalis ang kamay sa noo ko. "But we need Thalia's statement--" "For what?" Angil ni Mommy. Naninibago rin ako dahil sa pagtatalo nito sa harap ko- bagay na nakakapagtaka lang. "We don't need that statement. I think hindi rin naman siya gustong makasama ni Thalia-- o kahit na gusto nya pang makasama. Gagawa ako ng paraan para mapaalis siya. Aasikasuhin ko ang bank account nya para kahit papaano ay may magamit syang pera para makalayo. Dahil kapag si Mommy ang gumawa non-- sisimutin nya lahat ng perang ibibigay ko sa kanya" ani ni Mommy. Lihim akong napangiti dahil sa sinabi ni Mommy. Kahit na naging masama sakin si Aubrey ay nagaalala pa rin ito sa magiging kalagayan ng adopted nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD