Lisa's P.O.V
Annyeong! (Hi) Ako nga pala si Princess Lisa Dela Rosa but you can call me Lisa nandidiri kasi akong tawaging Princess na paka baby kasi eh...
Kakagising ko lang dahil sa ingay ng alarm clock ko 6:30 a.m na kaya kailangan ko ng maligo dahil 8:30 a.m ang pasukan at kukunin ko pa ang schedule ko, BSBA pala ang course ko Major in Marketing kahit labag man sa kalooban ko dahil buong buhay ko ayaw kong maging isang business woman dahil gusto kong maging isang sikat na Model, Singer at Dancer. Pero ito lang kasi ang kahilingan ng mga parents ko sa akin kaya kering-keri na lang.
Pumasok kaagad ako sa CR after 30 minutes sa wakas tapos na kong maligo. Sinuot ko kaagad ang uniform ko, bumaba kaagad ako sa bongga naming hagdanan para kumain ng breakfast sa amoy palang masarap na ang niluluto ng maids namin, I'm so hungry!
Pagbaba ko sinalubong kaagad ako nila ng 'Good Morning' kaya binati ko rin sila gaya ng kagawian ko. Yun kasi ang itinuro ng mga magulang ko na hindi porket meron na kaming karangyaan ay ibahin ko narin ang pagtrato sa mga kasambahay namin, dapst equal lang dahil tayong lahat ay binuhay ng Diyos na pantay-pantay lang.
Umupo kaagad ako sa nakasanayang upuan ko sa hapag kainan, Magkaharap lang kami ng kuya ko habang nagbabasa ng Diyaryo, pero wala akong paki sa kaniya...
"Yaya what's our breakfast for today?" Tanong ni kuya sa maid naming may kung anong ginagawa sa kusina namin, baka nagluto siguro ulit?
"What is your breakfast for today? Your breakfast is ano bacon and at itlog and egg, milk at tiyaka gatas-------" bago pa matapos si yaya ay pinutol ko kaagad ang sinabi niya hindi ko kasi naintindihan eh parang language ng mga aliens ang ginamit ni yaya.
"Ya, wag munang taposin, maawa ka sa sarili mo umagang umaga pa ma mamatay kana sa kaka-english mo, okay mag tagalog ka na lang..." Nag peace sign naman kaagad si Yaya.
"Hehehe, sorry po, ang umagahan niyo po ngayun ay bacon, itlog, gatas, hotdogs, pancakes, at tiyaka fried rice... " sagot naman ni yaya sa katungan kanina ng kuya ko
"Gawan mo ko ng sandwich yaya ayoko sa lasa ng fried rice at tiyaka pancakes... " request naman sa maarte kong kuya, hmp! Daig pa niya ang mga kaartehan ng mga babae! Naunahan pa ko ni kuya sa kaartehan, ganyan talaga ang kuya ko kapag ayaw niya wag niyo ng pilitin kasi mag-aalboroto lang sa galit.
"Ikaw Princess bilis-bilisan mong kumain baka malate pa tayo!" Sigaw naman ni Kuya sa 'kin, aba wala siyang good manners and right conduct ah maninigaw pa siya sa harap ng hapag kainan?
"Kuya! Bawas-bawasan mo nga yang volume ng bunganga mo! At tiyaka isa pa wag muna akong tawaging Princess because that name did not suites to my beauty!" Sigaw ko naman sa kaniya, umirap lang si kuya at tumayo.
"Yaya wag mo na lang ako gawan ng sandwich wala nakong gana... Sa cafeteria na lang ako kakain, at tiyaka ikaw Lisa maglakad ka papunta sa University! Naiilang din ako sa pag mumukha mo! Diyan ka na nga!" hmp! Sama talaga ng ugali ng kuya kung to, manang mana sa kapitbahay naming terror!
"Ba't ako maglalakad? Eh, may sariling kotse naman ako?" sarcastic kong tanong.
"Edi ang kotse mo ang gagamitin ko... " tipid niyang sagot.
"Weeehhh... Ikaw magdadrive sa pink ferrari ko? Di nga? " mapangasar kong tanong.
"May problema ba dun? " tanong niya
"Yes... "
"Okay... bilisan mo na diyan kasi sasamahan pa kitang kumuha ng schedule mo ba't ba kasi kahapon kapa umuwi dito" pag-iinarte uli ni kuya, galing kasi ako sa Korea dun mo muna akong pina-stay nina Mom at Dad para turoan akong mag-manage sa aming kompanya, kahit 2 monthd lang ako dun marami na man akong natutunan na pwede ko ring gamitin sa oras na susuccessful na ako.
"Kasalanan ko bang may bagyong dumating sa Korea kaya hindi ako naka uwi kaagad?" Isa rin yan sa dahilan, akala ko nga eh hindi ako makakapasok ngayun mabuti na lang at nawala kaagad yung bagyo at naka uwi ako dito ng maayos.
"Yeah, yeah, tapos kana diyan? Mabuti pang umalis na tayo at baka malate pa tayong pumasok, 7:30 a.m na at hindi pa natin alam kung kailan ang first class mo" saad niya habang papunta kami sa parking lot namin.
"Aye, aye sir"
"By the way, pakiusap lang wag kang maghanap ng away dun hindi mo kilala ang mga studyante do'n at sa oras na mabalitaan kong naghahanap ka ng gulo aasahan mo'ng hinding-hindi kita tutulongan, alam mo na rin kung paano poprotektahan yang ang sarili mo matanda kana" tumango-tango naman ako sa sinabi niya.
"Don't worry kuya, black belter kaya ito ng Taekwando so I can protect myself. Kaya wag kang mag-alala alam ko namang concern ka lang sa kapanakan ko" sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya ng dahil sa sinabi ko, bakit anong mali dun? Eh totoo naman yun.
"Hindi ako nag-aalala sa yo at mas lalo ng hindi ako concern sa yo okay?" Binelatan ko lang si Kuya, pero inirapan lang niya ako. Minsan talaga naiisip ko na baka bakla tong kuya ko, palagi niya kasi akong iniirapan sa twing mag kasagutan kami.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinablot, ano na naman ba ang probelma ng lalaking to?
"Makinig ka sa mga sasabihin ko" saad niya kaya tumango ako at naghihintay na lang kung ano ang susunod niyang sabihin.
"Alam mo naman siguro na isa akong Gangster diba? Kilala ako sa buong campus kaya wag mo kung ipahiya don and don't you ever call me kuya in our campus, understand?" Sinamaan ko naman siya ng tingin ng dahil sa sinabi niya sa akin so ikinakahiya niya ako bilang kapatid niya? Sa ganda kung to, ikinakahiya niya to?
"Okay, then what should I call you?" tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya ng nakakaloko habang yung hintuturo niya ay nasa ibaba ng bibig niya na mukhang nag-iisip
"Call me Mr. Handsome" sabi naman niya and big smile flashes in his lips, aba napaka feelingero.
"In your dreams! " sigaw ko at tinalikuran siya.
"Ayaw mo? Edi magdrive ka mag-isa, para kong saan-saan ka nalang iikot sa buong Makati dahil sa hindi mo alam kong saan papunta sa University na tin." Napatigil naman ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya, at namblock mail pa ah? Hayst bahala na kesa naman sa mawawala ako dahil sa hindi ko alam kung saan ang daan papunta sa campus namin
"Oo na oo na Mr. HANDSOME!"
"Yan! Good girl!" Aniya sabay gulo sa buhok ko, haaay mababaliw na ata ako sa kuya kung to buti na lang hindi ko namana ang kapakalan ng mukha niya.. Pero ang kapal niya ah!
Mr. HANDSOME daw? Kapal!
******************************
I hope you like it may next update pa po, so don't you worry everybody wag kayong bitin...