[Mandy's POV] "Wear that dress at the party tonight!" Nagulat na lang ako ng ihagis nito ang hawak na damit sapul sa mukha ko. Kinuha ko iyon at sinipat. Huh! Maids uniform! "Ba- bakit ako magsusuot nito? " Takang tanong ko. "Para may pakinabang ka, tumulong ka namang mag serve sa mga bisita mamaya ang mahal mahal ng ginagastos ni Daddy para sa pag aaral mo, dun man lang makabayad ka. " Ngayon ang birthday party ni Tita Pia at abala kaming lahat sa paglilinis ng buong mansion. "Suotin mo yan okay! Tumulong ka sa party huwag kang tamad. " Asik nito sa akin sabay talikod at nagdiretso ng lakad papunta sa kusina. "Haay! Dumating na naman ang demonyita, bakit ba nung nagpasabog ng kasungitan gising na gising yang bruhang yan. Hindi ka naman katulong dito eh! Kapag nalaman