Nakarating kami sa condo nang matiwasay at walang nang-i-stalk sa amin. I let Julian inside my unit. Pinaupo ko siya sa sofa na nasa paanan ng kama ko, kaharap ng TV. Medyo nakakailang dahil studio type ito at tanaw ang buong unit, kabilang na ang kama, pero mas nakakailang kung paghihintayin ko ang bantay ko sa labas ng unit nang magdamag. Mukha naman siyang harmless. Naupo rin ako sa kabilang dulo ng sofa, at inasikaso agad ang bagong biling phone ko. Isinalpak ko ang bagong simcard, inilagay ang battery saka ini-on. Segundo lang ay lumabas na ang home screen ng phone. May charge pa ang battery, halos full pa. Ang sabi ng babaeng nagbenta ay gamitin daw muna at i-charge kapag malapit nang ma-drain. Nag-log-in ako sa mga social networking apps ko, kasama na ang sss at i********:. Ang da