Dado’s POV
Hindi mawala sa isip ko si Miss Fia. Hanggang ngayon, kahit nasa bahay na ako at nagluluto ng hapunan ko ay isip-isip ko siya.
Nilagay ko na sa kumukulong mantika ang sibuyas at bawang. Ginisa ko ito hanggang sa maging brown ang kulay. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng ginigisang sibuyas at bawang kapag nagluluto ko. Kapag ganito, alam kong masarap na agad ang iluluto ko. Kahit ginisang sardinas lang naman na may talbos ang iluluto ko.
Sunod ko nang nilagay ang dalawang delatang sardinas. Luto naman na ang sardinas, kaya lang mas gusto ko ‘yung nagigisa pa ito ng kahit ilang minuto. Kapag okay na, saka ko lalagyan ng kaunting tubig para may sabaw. Huli ko na nilalagay ang talbos. Kapag hindi available ang talbos, kangkong ang ginagamit. Bago ko isara ang apoy sa kalan, tinitimplahan ko muna ito ng patis. Kapag nakaluwag-luwag, patis ang ginagamit ko. Pero kapag wala, nandyan ang asin.
“Tamang-tama, luto na pala ang hapunan,” sabi ni Bino na biglang pumasok sa loob ng bahay ko.
Ngumisi ako. Si Bino ang kaibigan kong masipag na tanod. Pang-gabi palagi ang duty niya. At alam ko na rin kapag nandito siya. Ibig sabihin, wala na naman siyang bigas at ulam sa bahay. Kumbaga, short na naman sa budget.
“Halika na, sumabay ka na sa akin. Pasensya ka na kung sardinas lang ang ulam ko ngayon,” aya ko sa kaniya.
“Makikikain na nga lang ako kaya bakit pa ako aarte. Kahit nga asin kaya kong ulamin. Sadyang naubos lang talaga ang bigas ko ngayon.” Kapag ganito, siya na ang magre-ready ng mga plato at kutsara namin, pati na rin tubig.
Mag-isa na lang sa buhay si Bino. Bata palang siya ay wala na siyang mga magulang. Tukamas lang kasi siya sa bahay-ampunan. Dito siya napadpad sa Baryo Donza. Hirap sa pagbabasa at pagsusulat si Bino. No need no write. Pero kahit na ganoon siya, nagsusumikap siya sa buhay para mabuhay niya ang sarili niya. Matagal na siyang tanod. Nagsimula ang pakikipagkaibigan namin nung minsang tulungan niya akong makipag-away sa mga dayo sa amin tuwing fiesta. Kukuyugin sana ako nun, tinulungan niya lang ako kaya kahit pa paano ay hindi ako masyadong nabugbog ng mga kalaban. Lima kasi sila, isa lang ako. Nung dumating siya, dalawa na kami kaya kahit pa paano, hindi ako napurahan. Kaya lang, masyadong palaban si Bino kasi karamihan sa mga kalaban namin ay basag ang mukha.
Nang magsimula na kaming kumain, naghuntahan kami tungkol sa kani-kaniyang trabaho.
“Hindi naman ako hirap nitong mga nagdaang araw. Wala naman mga sakit sa ulo na mga lasinggero sa baryo natin. Nung nakaraang linggo lang kasi ang daming dayo. Ang daming nag-birthday. Kaya ayon, madalas magpatawag ng tanod kapag may napapaaway. Heto nga at may sugat ako sa braso, nadaplisan ako ng patalim nung umawat ako,” kuwento ni Bino saka pinakita ang malaking hiwa sa braso niya. “Pero, sagot naman nung may-ari ng bahay ang pagpapagamot sa sugat ko. Bukod doon, naabutan din niya ako ng kaunting pera.”
“Ako naman, may trabaho na ulit ako biglang karpintero. May bagong flower farm na itatayo dito sa baryo natin kaya mukhang matagal-tagal akong magiging karpintero ngayon,” kuwento ko naman sa kaniya.
“Eh, ‘yung sideline mo, tigil na muna?” tukoy niya doon sa maberdeng sideline ko.
“Oo, mag-focus muna ako sa pagiging karpintero. Pero kung maisisingit, puwede naman.” Sayang din naman kung may mag-alok. Pero, baka doon na lang muna ako papayag sa may malaking bayad para sulit ang sideline.
“Mabuti naman. May darating ka kasing customer, tatlong ginang. Na-recruit ko sila nang ipakita ko ang litrato mo. Sinabi ko sa kanila na puwede mag-live show sa harap nilang tatlo,” pag-aamin niya kaya nagulat ako.
“Bino naman, sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba na hindi mo na kailangang gawin ‘yan. Baka mapahamak pa kasi tayo kapag may pulis tayong naalok. Natatakot na rin kasi ako.”
“S-sige, last na ito. Hindi na, natakot na rin ako. Baka mamaya niyan pulis nga ang maalok natin,” sabi niya. Si Bino kasi, minsan siya ang tagahanap ko ng customer. Kapalit nun ang pagpayag ko na minsan ay dito siya kakain ng hapunan o tanghalian kapag wala siyang pera.
“Magkano sinabi mo?” tanong ko kasi sayang din. Tamang-tama, pa-jaköl din ako mamaya dala nang hindi mawala-wala sa isip ko ang itsura ni Miss Fia.
“Mga dayo ‘to kaya wala silang alam sa presyuhan mo. Sinabi kong one thousand pesos ang bayad kada five minute. Mayayaman naman sila kaya game naman daw sila.”
Napapailing na lang ako kay Bino. Ang lakas ng trip niya minsan.
“Bundol ka. Pero, last na ‘to ah. Huwag ka nang mang-alok. Hindi na rin naman uubra na kasi magiging busy na ako.”
“Yes, bossing, last na nga ‘to. Pero, puwede pa rin ba akong makipag-hapunan dito kahit hindi na ako nang-aalok?”
“Oo naman, Bino. Welcome ka pa rin sa bahay ko. Walang problema, kapag wala kang pangkain, punta ka lang dito at ako ang bahala sa ‘yo.”
**
Alas siyete ng gabi nung umalis na si Bino para pumasok sa trabaho niya. Seven thirty daw ng gabi ang dating ng tatlong ginang kaya hinintay ko na sila dito sa tapat ng bahay ko. Mabuti na lang at walang masyadong tambay sa labas kasi umaambon. Nasa loob ng kani-kaniyang bahay ang mga marites kong kapitbahay.
Maya maya pa ay may magarang sasakyan nang huminto sa tapat ng bahay ko. Sa puntong ‘yon, lumabas na ako para salubungin sila.
Bumaba sa magarang sasakyan ang tatlong ginang. Bihis na bihis ang mga ‘to. Pagkakita nila sa akin, napangiti agad ang tatlo. Sa pormahan nila ay mukhang tama si Bino. Mga madam itong mga nakuha niyang customer ko. Inaya ko na silang pumasok sa loob para walang makakita sa amin.
Pagpasok sa loob, sinara ko na ang pinto.
“So, ang offer mo raw ay hanggang nuod at hawak lang? wala bang tikim?” tanong ng isang ginang na pula ang kulay ng buhok. Ang mga itsura nila ay parang mga nagpapakasarap na lang sa buhay. Siguro mga matandang dalaga ang mga ‘to.
“Live show at hawak lang. Hindi po ako nakikipag-sëx,” sagot ko.
“Tama ba ang dinig namin? Five minutes ay isang libong piso ang bayad kapag pinanuod ka namin?” tanong naman ng isang ginang na puti na ang buhok.
“Y-yes,” sabi ko na lang kasi ‘yon na ang nasabi ni Bino.
“Sige, ito ang six thousand. Panunuorin ka namin ng kalahating oras. Pagkatapos, saka na lang kami mag-upgrade kapag nagustuhan namin ang katawan at itsura ng ari mo.”
Inabot agad nila ang six thousand pesos sa akin kaya inaya ko na silang pumasok sa kuwarto ko.
Sa lamesa, naroon na ang langis na gagamitin ko para sa live show sa kanila. Pinaupo ko sila sa tatlong upuan na naka-ready na rin doon.
Solid ang last sideline na ‘to kasi para sa akin ay malaki na ang six thousand pesos na kita ko ngayon. Pero, sure akong mag-a-upgdate pa sila kapag nakita nila kung gaano kaganda ang katawan ko. Lalo na kapag nakita nila ang dambuhalang alaga ko. Kaya sure akong baka umabot pa ng sampung libong piso ang kitain ko.