Dado’s POV
Ito ang maganda kapag napakayaman ang amo. Ang sarap ng pa-merienda. Ngayong unang araw ng pasok namin, spaghetti at pancit ang pinakain sa amin. May kasama pang kape at juice. Ikaw na lang ang bahalang mamili kung anong gusto mong inumin at kainin.
“Grabe ka, Henjie, nakatatlong balik ka na. Sige ka, magpakabusog ka. Tandaan mo, wala pang banyo dito. Talagang mamomoblema ka kapag humilab ‘yang tiyan mo,” saway ko sa kaniya kasi kanina ko pa napapansin na pabalik-balik siya sa pagkuha ng pancit at spaghetti.
“Masarap kasi. Halatang in-order sa mamahaling restaurant. Hindi kasi ganito magluto ng pancit at spaghetti sa bahay namin,” sagot naman niya. Pareho pala kami nang nalalasahan. Sa totoo lang, ganoon din ‘yung unang naisip ko. Ako kasi, nasanay sa spaghetti at pancit na nabibili sa may kanto namin. Ibang-iba nga naman ‘yung lasa sa merienda namin ngayon.
Lumapit sa akin ang project manager namin na si Kuya Toper habang namamahinga ako. Napatayo tuloy agad ako kasi natakot ako na baka may mali akong nagawa.
“Dado?”
“Yes, Sir?”
“Kanina, habang nakatingin ako sa inyo. Napansin ko na ikaw ‘yung pinakamabilis kumilos. Ikaw rin ‘yung napansin ko na pinakamaraming nagawa. Kaya gusto kong sabihin sa ‘yo na isa ka sa mga labor na sure na hindi matatanggal. Secret lang ‘to, hindi kasi lahat kayo matatanggap pa ng regular kasi napansin kong hindi lahat ay mabilis kumilos. Gusto ni Miss Fia ay mabilis lang matapos ang lahat dito.”
Tumango ako sa kaniya at saka nagpasalamat. Nang marinig ko kay Kuya Toper ang sikretong sinabi niya, napatingin ako kay Henjie na patuloy na kumakain. Kailangan ko siyang pursigihen sa pagtatrabaho ng mabuti para hindi siya matanggal. Para gaya ko, isa rin siya sa ma-regular.
Pagkatapos ng break time, balik trabaho na ulit kami. Nilapitan ko na si Henjie. Inabutan ko siya ng maraming bato. “Ang dami naman nito,” reklamo niya.
“Kung ayaw mong maagang mawala sa trabaho dito, magpakitang gilas ka. Kasi kung lalaro-laro ka lang dito, wala, mabubungangaan ka na naman ng magulang mo kapag naging tambay ka naman,” sabi ko sa kaniya saka ko siya tinulak papunta sa imbakan ng mga bato at kahoy.
Sumunod naman siya at hindi na nagreklamo. Pero kahit na ganoon, tinuloy-tuloy ko pa rin ang pag-abot ng mga kahoy sa kaniya. Nang sa ganoon, mapansin na rin siya ni Kuya Toper.
“Kakaiba pala si Henjie kapag nabubusog, sumisipag,” puri na sa kaniya ng mga matatandang nakapansin sa kaniya.
“Oo nga ho, nakarami kasi ng kain kaya naging energetic na,” sagot ko sa kaniya.
“Kanina kasi, napansin ko na baka isa siya sa hindi magtatagal dito kasi nilalaro lang niya ang lahat,” sabi naman ng isa. Pati sila napansin rin an ang pagiging lamya niya. Kaya mainam na rin talaga na sinabihan ko siya.
“Bumawi naman siya ngayon kaya mukhang may pag-asa siya,” sabi pa ng isang kasama namin.
Tinignan ko tuloy si Henjie. Sa nakikita ko, mukhang hindi naman na siya maliligwak kasi mabilis-bilis na siyang kumilos.
**
Nung hapon na at tapos na ang trabaho, nakaupo nalang kaming lahat para mamahinga. Napatingin ako sa tent nang lumabas na rin doon si Miss Fia. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Walang hindi, kasi kaakit-akit ang itsura niya.
“Ganiyan siguro kaganda at ka-sexy noon ang ina niyang si Ma’am Franceska,” wika ng isang katrabaho namin na may edad na.
“Suwerte ang magiging asawa ni Miss Fia. Napakaganda niya. Para siyang artista,” sabi naman ni Henjie.
Kumaway na ito sa amin habang paakyat sa sasakyan niya. Mauuna na siyang umuwi kaya oras na rin para gumayak kasi magluluto pa ako ng hapunan pag-uwi sa bahay.
“Kanina, bakit pinursige mo akong gumawa nang gumawa?” tanong ni Henjie habang naglalakad na kami paalis ng farm.
“Secret lang ‘to, ha! Nilapitan kasi ako ni Kuya Toper kanina. Sinabi niya na mabilis at magaling daw akong magtrabaho kaya sinabihan niya agad akong magiging regular na ako sa trabaho ko. At sinabi niya rin na hindi raw lahat tayo ay magiging regular. Marami raw kasi siyang napansin na mabagal kumilos kaya karamihan talaga sa atin ay matatanggal. Kaya sinabihan agad kita para hindi ka matanggal.”
Napangiti siya nang marinig ang sinabi ko. “Salamat, Dado. Kaibigan na talaga kita. Mabuti na lang at sinabihan mo ako.”
“Kaya bukas, dapat galingan mo. Ikaw pa naman ang kagaya kong binata roon kaya dapat lang na hindi ka rin matanggal para hindi ka mawalan ng trabaho. Sayang kasi kung magiging tambay ka lang. Ayoko rin kasi mawalan ng katrabahong joker. Kahit minsan siraulo ka, natutuwa pa rin ako kapag nasa tabi kita. Napapatawa mo rin kasi ako minsan,” sabi ko kaya napangiti ang gago.
“Bakla ata ‘to. Na-inlove pa sa akin,” buska niya kaya inumangan ko siya ng suntok.
“Ikaw ang bakla. Ikaw ‘tong humawak sa naninigas kong titë kanina,” sagot ko naman sa kaniya saka siya tumawa.
“Tang-ina, naalala ko na naman tuloy ‘yon. Totoo ba ‘yon? Ganoon ba talaga kalaki ang titë mo? Gago, ‘yung sa akin wala pa ata sa kalahati niyang nahawakan ko sa ‘yo,” sabi pa niya kaya tumawa ako.
“Juts kasi siguro tatay mo kaya sa kaniya ka nagmana,” panunukso ko naman sa kaniya.
“Gago ‘to ah!”
Siya naman ang napikon.
“Pero maiba tayo, Dado. Bakit tinigasan ka kanina nung makita mo si Miss Fia?”
Natahimik ako nang itanong niya ‘yon. Sa totoo lang, kaya rin talaga ako tinigasan ay dahil napansin kong malusog din ang mga dibdib niya. Tapos, ang tambok pa ng mga puwët niya. Na-imagine ko na kung kasama ko sa kama ang gaya ni Miss Fia, baka naghuhubad palang siya ng saplot, nilalabasan na agad ako.
“Lalaki ako e,” sagot ko na lang sa kaniya.
“Naku, sabihin mo nalakihan ka rin sa dibdib at puwët ni Miss Fia,” sabi niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
“Gago ‘to, kapag may nakarinig sa ‘yo, patay ka!” saway ko sa kaniya. May mga kasabay pa naman kaming naglalakad na mga katrabaho namin. “Mag-ingat ka, hindi mo dapat sinasali sa asaran ang amo natin. Hindi ka lang matatanggal sa trabaho, makukulong ka pa.”
Maya maya, akala ko tumigil na siya pero hindi pa pala. “May ibubulong ako sa ‘yo,” sabi niya kaya nilapit ko naman sa kaniya ang tenga ko.
“Ano ‘yon?” tanong ko naman.
“Pagjajạkulan mo siya pag-uwi ‘no?” bulong niya kaya doon ko na siya nahampas ng malakas sa braso niya.
“Aray ko. Napakapikon mo talaga,” natatawa niyang sabi habang hinihimas ang braso niyang hinampas ko.
“Hindi lang bundol, bastos ka pa. Diyan ka na nga, baliw ka talaga,” sabi ko.
Naghiwalay na kami ng daan kasi sa kabilang bayan pa ang uwi niya. Malayo siya habang ako ay dito lang sa Baryo donza.
Nang mag-isa na lang akong naglalakad, natawa ako kasi tama si Henjie. Talaga namang pagjajạkulan ko mamaya si Miss Fia. Tiyak na mapaparami na naman ang palabas ko mamaya. Init na init ako ngayon, e. Nangangati na rin ang kamay ko na himasin ang sarili kong ạri.