Chapter 8

1223 Words
Dado’s POV Maaga akong natulog kaya maaga rin akong nagising. Kumita ako ng malaki kagabi kaya deserve kong kumain ng masarap na almusal. May tatlong oras pa ako para tumunganga kasi maaga pa. Naglaan ako ng oras para pumunta sa palengke. Sinabay ko na rin ang pag-jogging para makapag-exercise din ako. Sa ganitong oras, may mga nakikita rin akong tumatakbo at nagjo-jogging. Karamihan sa baryo namin ayhealth conscious. Pero karamihan sa mga nagja-jogging ay mga may edad na. Sila ‘yung mga may nararamdaman na sa katawan. May nadaanan akong bukas nang hardware kaya dumaan na rin ako para bumuli ng mga seradura ng pinto. Dalawa kasi sa pinto sa bahay ay sira na. Isa sa harap at isa sa kuwarto ko. Tutal ay nandito na rin ako, bumili na rin ako ng iba ko pang kailangan. “Mang Ben, balikan ko na lang pag-uwi ko itong mga pinamili ko. Papunta pa kasi ako sa palengke,” sabi ko sa may-ari ng hardware. Suki na ako dito kaya kilala na niya ako. “Walang problema, Dado. Tawagin mo na lang ako kapag babalikan mo na.” Matapos kong iabot ang bayad sa kaniya ay umalis na ako at nag-jogging na ulit papunta sa palengke. Pagdating ko sa grocery store, kumuha ako ng malaking cart kasi mamimili na rin ako ng mga stock ko sa bahay. Binilisan ko lang ang kilos ko kasi ayokong magtagal. Enjoy na enjoy pa naman ako kapag nagsa-shopping. Lalo na’t napakarami kong pera ngayon. Sa ibang araw ko nalang siguro gagawin ang pamimili ng marami. Ayoko kasing ma-late sa trabaho ko. Bumili lang ako ng mga kailangang-kailangan ko. Bigas, mga delata, sabon, shampoo at kung ano-ano pa. Yung mga box-box na ang binili ko para sulit. Bibit ang mga pinamili ko, dumaan na rin ako sa wet market para bumili ng mga karne. Lahat ng klase ng karne ay binili ko. Manok, baboy at baka. Bumili na rin ako ng mga longganisa, tocino, hotdot at iba’t ibang gulat at prutas. Sa dami nang pinamili ko, hindi ko na kayang bitbitin ang mga ‘to. Naglakad na lang ako sa malapit na paradahan ng tricycle. Mabuti na lang at may dalawa nang namamasadang tricycle. Sumakay na ako roon. “Sa Kalye Pula, manong,” sabi ko sa matandang tricycle driver pagsakay ko sa tricycle niya. “May handaan ba at naparami ang pinamili mo?” tanong niya sa akin. Sa umaga, nasa mood din talagang makipag-usap ang mga tao. Lalo na ang mga matatandang gaya niya. “Wala ho. Stock ko lang po ‘to. Sadyang kapag marami akong pera, gusto ko ay nakakapag-stock ako ng maraming pagkain sa bahay ko,” sagot ko sa kaniya. “Ayos pala. Siguro ay sa Manila ka nagtatrabaho. Ang laki siguro ng sahod mo?” tanong pa niya kaya natawa ako. Sabagay, kung titignan nga naman ay mukhang ang dami kong pera dahil sa dami nang napamili ko. “Hindi po. Sinuwerte lang ako sa sugal,” pagsisinungaling ko nalang. Nakakahiya kasi kung pati ang maberde kong sideline ay sasabihin ko pa sa kaniya. “Ah, ayos pala. Suwerte nga pala.” Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Nababanas na rin kasi akong sumagot. Gutom na rin kasi ako at gusto ko nang mag-almusal. “Ah, manong, padaan na nga rin pala sa hardware ni Mang Ben, may dadaanan lang ako sa pinamili ko kanina,” sabi ko sa kaniya. Mabuti na lang at naalala ko. “Okay,” maikli niyang sagot. Sa papasok sa street pula, napansin ko na may bagong nagtitinda ng umagahan. Sinabi ko na rin kay manong na ihinto ako saglit doon para tignan kung anong tinda. “Ano pong almusal?” tanong ko sa ale na hindi ko kilala. “Marami. May lugaw, sopas, sotanghon, spaghetti. Mayroon din kanin at mga ulam. Today, may munggo, menudo, adobong manok at tinolang manok ako. Nga pala, ako si Aling Belen, bagong lipat dito. Dati na akong nagtitinda sa dating bayan namin. Sanay na ako sa ganitong business kaya dinala ko na rin dito sa Kalye Pula,” pagpapakilala niya. Sabi na e, bagong salta kasi bagong mukha lang. Bumili ako ng lugaw, sopas at pati na rin spaghetti. Si manong na tricycle driver nilibre ko na rin ng lugaw. Tuwang-tuwa nga nung iabot ko sa kaniya ang lugaw. Tamang-tama raw kasi hindi pa siya nag-aalmusal. Nung dumaan naman kami sa hardware ni Mang Ben, may nadatnan akong babaeng kausap niya. Maputi ‘to at mukhang mayaman. “Ah, Mang Ben, maistorbo ko muna kayo. Kukunin ko na ‘yung pinami—” Nahinto ako sa pagsasalita nang makita kong si Miss Fia pala itong kausap ni Mang Ben. “Oh, Dado, tama?” Siya pa ang unang nagbanggit sa pangalan ko. “M-magandang umaga po, Ma’am F-fia!” bati ko sa kaniya habang mautal-utal pa. Pakiramdam ko ay parang buo na ang araw ko. Umagang-umaga, anghel agad ang nasilayan ko. “Magandang umaga rin sa ‘yo, Dado.” Ang lambing din ng boses niya. Sa tuwing titignan ko siya, hindi talaga puwedeng ‘di ako titigasan. Bakit kaya? “Oh, Dado, heto na ‘yung pinamili mo,” sabi ni Mang Ben at saka inabot sa akin ang isang malaking supot. “Salamat po, Mang Ben,” sabi ko sa kaniya nang abutin ko ang malaking supot. “Paano po, mauna na ako. Gagayak pa po kasi ako,” paalam ko naman kay Miss Fia. “Saglit, Dado,” tawag niya sa akin nung dapat ay pabalik na ako sa tricycle. Nahinto tuloy ako sa paglalakad para lingunin ulit siya. “May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko tuloy. Matagal bago siya nagsalita. Parang may gusto siyang sabihin. Bigla niya lang pinigil. “Ah, mamaya na lang siguro kapag nasa farm ka na. Pasensya ka na, sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa paggayak mo,” sabi niya kaya napakamot na lang ako ng ulo ko. Habang nakasakay ako ng tricycle, isip-isip ko tuloy kung ano ‘yung gusto niyang sabihin. Pakiramdam ko kasi ay parang nahiya siyang sabihin kung anuman ‘yung gusto niyang sabihin sa akin. “Nabalitaan mo na ba ang tungkol diyan sa anak nila Donya Franceska at Don Bernie?” biglang tanong sa akin nitong si manong. “Sino po, si Ma’am Fia ba?” tanong ko na rin. “Oo, alam mo ba ‘yung ginawa niyan sa Manila?” tanong pa niya na patuloy akong binibitin kaya naiintriga na ako lalo. “Hindi po, e. Bakit, ano po ang ginawa niya?” Tumawa siya at saka napailing-iling. “May anak akong nagtatrabaho sa Manila. Ang sabi niya, nakita niya raw ‘yang si Miss Fia. Nasa loob ng bar, lasing na lasing. May kalaplapan daw itong guwapo at mayaman na lalaki. Tapos, mukhang nag-hotel pa raw sila. Ang punto ko, kapag nandito siya sa baryo, akala mo ay kung sinong maria clara, pero kapag nasa Manila naman ay wild daw,” kuwento nitong si Manong kaya napangisi tuloy ako. Kalalaking-tao niya, marites siya. Hindi ako na-turn off sa nalaman ko. Natuwa pa nga ako kasi ibig sabihin, may chance na malandi ko siya. Bagay na bagay pala talaga kami. Pareho kaming malandi at wild. Ang tanong, pumatol kaya sa akin si Miss Fia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD