Dado’s POV
Malakas ang ulan, walang pasok dahil sa biglang pagdating ng malakas na bagyo. Nakatanggap na rin ako ng text message kay Kuya Toper na wala ngang pasok ngayon sa trabaho kaya heto, nagluluto ako ng champorado kasi ‘yon ang masarap ngayong araw. Malagkit na bigas ang gamit ko para mas masarap. Wala nga lang akong coccoa, pero hindi problema ‘yon dahil may chocolate ako sa fridge. Iyon ang nilagay ko para magkulay chocolate ang champorada. Less sugar pa kasi matamis-tamis na ‘yung chocolate. Tatlong malaking bar ba naman ang ilagay ko, bakit hindi nga tatamis.
Kapag ganitong umuulan, alam ko na ang mangyayari mamayang gabi. Tiyak na mag-aaya na naman ang mga tropa ko na uminom ng alak. Sabagay, ilang linggo na rin akong hindi nakakatikim ng alak. Puro na lang ako trabaho. At dahil malaki rin ang kinita ko nung nakaraang gabi, deserve ng mga tropa ko ang ilibre ko sila.
Habang patuloy kong hinahalo ang champorado ko, isa-isa ko nang pinadalhan ng message ang mga tropa ko; si Bino na baranggay tanod, si Tisoy na courier guy at si Andi na may-ari ng flower shop. Ang tawag nga sa amin ay F4. may mga itsura kasi itong mga kaibigan ko, pero hindi naman sa pagmamayabang, ako pa rin ‘yung pinakaguwapo sa amin.
Unang nag-reply si Andi. Nalaglag ang panga ko kasi nanghingi ito ng tulong. “Mabuti na lang at nag-message ka. Wala akong maisip na tutulong sa amin dito. Baka puwedeng pumunta ka muna dito sa flower shop ko, Dado. Ang lakas ng hangin. Nasira ang tarapal ko. Masasayang ang mga bulaklak na naka-display dito. Malulugi ako kaya paki-ayos naman saglit itong tarapal dito. Magdala ka na lang ng mga gamit mong pamukpok, pako at kung ano-ano pa na magagamit mo sa pagkabit ng tarapal.”
Kaibigan ko ‘to, kahit maulan at tinatamad akong lumabas, hindi ko puwedeng balewalain.
“Sige, darating ako diyan. Kakain lang ako saglit lang almusal,” reply ko sa kaniya. Mabuti na lang at luto na ang champorado. Kahit mainit at umuusok-usok pa ito sa mangkok ko, kinain ko na, malamig naman ang panahon kaya tamang-tama lang ‘to. Wala pa atang ten minutes ay naubos ko na ang champorado. Iinom pa dapat ako ng mainit na gatas, kaya lang baka masira na ang mga panindang gulay ni Andi.
Ginayak ko na ang tool box ko at ang kapate ko. Malapit naman ang flower shop ni Andi dito, apat na kanto lang ang lalakarin ko at hindi rin naman kahabaan ang bawat kanto. Habang naglalakad ako dito sa kalye pula, natatanaw ko ang mga tao na nakasilip sa kani-kanilang bintana, may hawak na tasa at humihigop ng mga kape. Ang mga bata ay masaya kasi walang pasok sa eskwelahan. Pero mayroon pa rin na malungkot dahil hindi naman lahat ng bahay dito ay okay ang bubong, mayroon pa rin na bahay-kubo lang. May nakita ako na ang dali nilang nakasahod na timba sa iba’t ibang parte ng loob ng bahay nila. Ang daming tumutulo sa bubong nila, lalo pa’t ang lakad ng ulan at hangin. Mabagal nga ang paglalakad ko kasi halos tinatangay ako ng malakas na hangin. Nagkalat na rin sa mga kalsada ang mga naputol ng sanga ng mga puno. Ang kanal, umaapaw na ang tubig kaya nagkalat na rin ang mga basurang nakabara sa mga ito. Ang kalsada, punong-puno ng mga libag. Paghupa ng bagyo, tiyak na karamihan sa amin ay maglilinis ng kani-kanilang harapan.
**
Sa wakas ay nakarating na ako flower shop ni Andi. Pagkakita ko sa tarapal na sinasabi niyang nasira, halos maawa ako sa dalawang baklang may hawak nito na mukhang kanina pa nakatayo roon.
“Ayos lang ba kayo, Pepay at Heyhey?” tanong ko pa sa kanila kahit alam kong nangangawit na sila.
“Nagtanong ka pa talaga, Dado. Pakigawa na itong tarapal, kanina pa kami nangangawit dito. Sayang ang beauty naming dalawa dito,” sabi ni Pepay na nakangiwi. Halos basang-basa na ang dalawang baklang tauhan ni Andi. Pero, impyernes naman dito sa dalawang staff ni Andi na bakla, mga mukhang babae. May dibdib na rin ang mga ito, kaya lang siguradong wala pa itong mga hiwa sa ibaba. Kung titignan sila, hindi mo aakalaing bakla. Huwag lang magsasalita, kasi doon mo mabubuking na bakla sila dahil ang malalaki ang mga boses nila.
“Heto na nga po, gagawin ko na para maging okay na ‘yan,” sagot ko. At dahil naroon na rin naman silang dalawa. Sila na ang naging assistant ko. Hindi naman mahirap gawin ang tarapal na ‘to. Sa loob lang ng twenty minutes ay nagawa ko na rin ito agad. Dinamihan ko na lang ng pako para hindi na masira pa.
Pumalakpak sina Pepay at Heyhey nang magawa na ang tarapal. Yumakap pa ang mga ‘to sa akin. “Oy, oy, nanaching na kayo, e,” sita ko.
“Ito naman, minsan lang makayakap ng yummy, nagdadamot pa,” patawang sabi ni Pepay.
“Oo nga, hindi kasi ganitong kalaki ang katawan ni Boss Andi kaya pagbigyan mo na kami,” sabi naman ni Heyhey at saka ulit sila yumakap.
“Pepay, Heyhey, tama na ‘yan, masyado niyo nang sinasamantala ang kabaitan ng kaibigan ko,” sita na sa kanila ni Andi kaya dali-daling umalis sa tabi ko ang dalawang bakla. “Pumasok na kayo sa loob at ayusin niyo na ‘yung ibang mga nabasang bulaklak bago pa ‘yon masira,” utos pa niya sa mga ‘to kaya tumakbo na sila papasok sa loob.
Inapiran ako ni Andi paglapit sa akin. “Ayos ka talaga. Ang galing mo talaga kahit kailan. Salamat at dumating ka agad. Anyway, heto oh, bayad ko sa paggawa mo niyan,” sabi niya at saka nag-abot ng limang daang piso.
Tumanggi ako. “Baliw‘to, hindi ka naman iba sa akin. Hindi mo na kailangang magbayad at kaibigan naman kita. Saka, diyan lang sa mga staff mo ay baka kulang pa ang kinikita mo para pasuwelduhin sila,” tukoy ko kina Pepay at Heyhey.
Hinawakan niya ang braso ko at saka bumulong sa akin. “Hindi naman malaki ang sahod ng dalawang ‘yan. Saka, sa isang buwan, okay lang sa kanila na tag-dalawang libong piso ang sahod,” pag-aamin niya sa akin kaya nagtaka ako.
“H-ha, dalawang libong piso? Hoy, napakababa naman niyang pasahod mo. Baka karmahin kita,” sita ko sa kaniya. Naawa tuloy ako sa dalawang beki na ‘yon.
“Ano ka ba, hindi sila lugi. Kasi sa isang linggo, hindi puwedeng ‘di nila ako namumukbang,” pag-aamin na rin niya kaya doon na ako nagulat lalo.
“Nakikipag-sëx ka sa kanila?” tanong ko pa.
“Oo, pero safe naman. May condom ako palagi saka walang mga sakit ‘yan. Hindi naman sila baklang gala at baklang palaging umaawra diyan sa iba’t ibang baryo. Ako lang ang natitikman ng mga ‘yan. Saka, mainam na rin ‘yon para makatipid ako. Bukod doon, hindi ko na kailangan pang magjaköl kasi sila na ang bahalang makapagpalabas sa akin,” sabi pa niya kaya natatawa na lang ako.
“Gago ka, alam ba ‘to ng girlfriend mong taga ibang bayan?” tanong ko pa kaya doon na siya natawa.
“Siyempre, hindi. Ano ako, baliw para sabihin pa ‘yon sa kaniya. Pero, alam naman nila Pepay at Heyhey na may syota ako kaya kapag nandito si Raquel, hindi sila buntot nang buntot sa akin. Iyon nga lang, wala sa mood ang mga bakla kapag nandito ang syota ko,” sabi pa niya kaya nag-iihit tuloy ako sa kakatawa dahil sa mga rebelasyong pinagsasasabi niya sa akin.
Pagkatapos kong gawin ang tarapal niya, umuwi na ako kasi mapapaaga ang inuman namin. Sagot na ni Andi ang pulutan, sa akin na ang alak. Habang sina Bino at Tisoy ay tip lang. Gipit kasi pareho ang dalawang ‘yon. Pero okay lang, ang mahalaga ay kumpleto kami.