Red's POV, "Sino ang nakakaalam na nahanap niyo ako?" Tanong ko sa kanila ng matanaw ang TDR. "Wala, wala kaming sinabihan na nakita kana namin. Wala silang alam." Sagot sa akin ni Paige. "Good, huwag niyong sasabihin na dito na ako. Magpapakita ako sa kanila." Malamig na saad ko tumango lang sila sa sinabi ko. Tumango nalang sina Knight at Grey. Hindi nagtagal lumapag na kami sa TDR. Nagpalit na ako ng damit ko, may dalang damit kanina si Paige para sa akin. "Sa building ni Blue niyo ako ihatid." Saad ko sa kanila, napalingon sila sa akin. Tumango nalang si Knight. Kalahating oras pa ang byahi namin hanggang sa marating namin ang building ni Blue. Mabilis akung bumaba sa helipad ng building niya, nakasunod sa akin sina Knight at Paige kasama sina Air. Pababa ako ng elevator ng b