Ngingiti-ngiti ako habang naglalakad sa hallway ng St. Ignatius Academy. It’s been a week mula noong dalawin ko ang Yam ko sa Martenei pero hanggang ngayon kilig to the bones pa rin ako kapag naaalala ko kung paano kami nag-celebrate ni Yam. Sa totoo n’yan, two days din akong tila piki kung maglakad. Hihihi. Buti na lang magaling akong magpalusot kay Mama. Sinabi kong nakaapak ako ng thumbtacks kaya ganun akong maglakad. Haay! Kung alam lang nila kung ano talagang parte ng katawan ko ang masakit, mahapdi at namamaga. Hindi ko naiwasang pag-initan ng pisngi nang maalala ko kung paano kami nagtila-acrobat ni Yam noong gabing iyon. ‘Di ko talaga ineexpect na pwede palang gawin ‘yun habang... EEHH! Nakakahiyang sabihin! Pero noong gabi ring iyon ko napatunayan na malalakas pala ang mga braso niya. Biruin nyo, nakaya niyang buhatin ang buong katawan ko?! Gumagalaw pa siya sa lagay na ‘yun, ha? Ay! Anlandi-landi ko na talaga! Hmp! Si Yam kasi, eh! Hihihi.
“MAKIE!!!” Ayan na ang sirena. No other than tentenenentenen...
“Maryknoll Merin Vargas! Sino ang nagsabi sa’yong iwan mo ako sa Library, bruha ka?!” Nanlilisik ang mga matang sabi ng best friend kong si George Carilla. Pero 'wag ka. Sa gabi, ang George nagiging Georgia.
“Shh! May chicks!” Turo ko sa likuran niya. Agad naman siyang tumayo nang matikas at nawala ang pagtikwas ng kanyang mga daliri.
“Hi, George!” Pa-cute na sabi ng isa sa mga babaeng dumaan.
“Ampogi mo talaga, George!” Papungay ng mata naman ‘yung isa.
“Hi, girls. Wazzup?” I rolled my eyes. Iyong kaninang napakasingkit na boses ng bakla, ayan at naging pang-Mr. Suwabe na. Aysus! Kung alam lang ng mga babaeng ito na paminta ang bff ko, naku baka masuka pa sila dahil kung malandi ako, mas malandi si Georgia.
“Gusto mo bang mag-snack? Tara, libre kita,” pag-aanyaya ni Girl 1.
“Teka, sissy. ‘Di ba ang usapan, ako ang mag-iimbita sa kanya?” Reklamo ni Girl 2 na obvious ang ngiwi.
“Eh, ambagal mong dumiskarte eh kaya inunahan na kita,” katwiran ni Girl 1.
“Ano? Bakit hindi ka makapaghintay eh bumubwelo pa lang ako?!” dikit na ang mga kilay ni Girl 2.
“Ahh, basta! Ako na ang naunang nag-invite kaya sa akin siya sasama.” galit na si Girl 1. Nagkatinginan kami ni George mula sa paglilipat-lipat ng mga tingin namin sa dalawang nagbabangayan.
“Ano?! Hindi pwede iyan! Bawiin mo ‘yung pag-iimbita mo sa kanya! Bawiin mo!” mas galit na utos ni Girl2.
Sabay kaming naglabas ng wallet ni Georgia at naglabas ng tig-1 thousand bill.
“Girl 2 ako,” bulong ko sa kanya.
“Girl 1,” ngisi niya. Iniabot niya sa akin ang pera niya at nag-shakehands kami. At ilang saglit pa nga ay nakapanuod na kami ng mortal combat.
Well, hindi ko naman talaga masisi ang mga ito sa pag-aagawan sa bff ko. Guwapo naman talaga si George at ma-appeal. Tadtad din ito ng muscles sa kawo-work out dahil bantay-sarado rito ang amang miyembro ng militar. Lima silang magkakapatid na puro lalaki kaya expected na lahat sila, sumunod sa batas-militar ng sundalo nilang ama. Nakakatawa nga dahil kung sino pa ang Junior nito, ito pa ang nagkaroon ng pusong Eba. Isn’t it ironic? Kawawang George.
...
“Hahahahaha.” Sige, tawa nang tawa ang Georgia. Paano ba naman sa laki ng katawan ni Girl 2, isang sapak lang ng payatot na si Girl1 ayun, nahilo na siya. Hay, sayang ang perang ipinusta ko. Tsk!
“’Wag kang mag-alala. Ililibre naman kita.” Napatakip ako sa tenga ko dahil muli na naman siyang inatake ng kanyang matinis na boses.
“Pwede ba, George! Nakakabasag ng eardrums iyang boses mo! May araw pa oh! Iluwa mo na muna ‘yung bato at mamaya ka na mag-ala Darna!” Naaasar kong itinulak siya palayo sa akin.
“At pwede ba? Please! Kailan ka pa hindi naligo araw-araw? Ambaho mo! Eew!” Tinakpan ko ang ilong ko dahil nanhahapdi ito sa nalalanghap kong amoy ni George.
“Maldita ka! FYI, limang beses po akong naliligo araw-araw! At kailan ka pa nabuwisit sa maganda kong boses? ‘Di ba ikaw pa nga ang nag-request na gamitin ko ang boses-Georgia ko kapag tayo ang magkausap?!” Nag-uusok ang ilong na sikmat ni George.
“Kung naliligo ka, bakit ang panghi mo?!” Sikmat ko rin sa kanya.
“Hoy! Porke natalo ka lang tumaray ka na! Kailan mo pa ako tinarayan at ininsulto ng ganyan?! Ngayon lang! What’s wrong with you?!” Natigilan ako not because of the hurt that I see on his face but because of what he said. Tama siya. What’s wrong with me at pinag-iinitan ko siya?
I’m a happy-go-lucky person. Masayahin. Pilya. But never once na may tinarayan ako because of one’s smell. And oh em gee! Ang bff ko pa ang nakatikim nu’n.
“I’m sorry, George! Sorry!” Naiiyak na yumakap ako sa kanya.
“Okay na! ‘Wag ka nang umiyak.” Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya. Napakamot ako sa ulo ko. Kanina ang saya ko tapos bigla akong nagtaray. Ngayon naman, ang drama ko. Gosh! Nagiging bipolar na ako! Waah! Side effect ba ‘yun kapag nasobrahan ng tot-tot-tot?!
“Tara na nga sa canteen! Kain tayo ng paborito mong garlic bread!” Kumapit siya sa braso ko at hinila na ako papunta sa canteen. Ilang beses pa nga akong muntik madapa dahil ang tanging nasa isip ko lang ay ang tinapay na binanggit niya. Nai-imagine ko na nga ‘yung amoy niya na nasa ilong ko. Naaamoy ko as if nakadikit siya rito. Naaamoy ko. Naaamoy ko. Gosh! Nasusuka ako!
Pumiglas ako sa kapit ni George at nagmamadaling tumungo sa pinakamalapit na cr. Agad akong yumuko sa lababo at sumuka nang sumuka ng mapait na laway. Kulang na lang pati lamang loob ko ay isuka ko. Halos mag-apoy ang lalamunan ko sa sakit nang tumigil ako. Hapung-hapo akong napaupo sa gilid ng cr. What’s wrong with me?! I’m not naive. I have an idea of the symptoms I am experiencing pero imposibleng... no! Buntis ako?! Oh em gee! Imposible! One week pa lang noong may nangyari sa amin ni Flame kaya paanong andito na agad ‘yung mga sintomas?! s**t! Noong birthday ko last month! Gosh! Hindi kami gumamit ng protection noon! Nanlamig ang buong katawan ko. Pati pawis ko ay tila yelong gumugulong mula sa noo ko pababa sa mukha ko. I’m only fifteen and I’m already pregnant! Ano ang sasabihin nina Papa at Mama? Ano ang magiging reaksyon ni Flame? Ano ang gagawin ko?!
Napasabunot ako nang madiin sa buhok ko. God! Ano ang gagawin ko?
“Makie! Makie! Okay ka lang? Lumabas ka na diyan. Nag-aalala na ako.” Sunud-sunod ang ginawang pagkalampag ni George sa pinto ng cr. Tila ginigising ng ingay na ginagawa niya ang magulo kong utak.
Dahan-dahan akong tumayo. I have to make sure if I’m really pregnant. Kailangang makapunta ako sa isang ob gyne ASAP.
Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni George.
“Okay ka lang? Bakit nagsuka ka nang bongga?! Oh tignan mo namumutla ka! Tara sa clinic!” Tarantang salubong niya sa akin.
“Oo, pupunta tayo sa clinic but definitely hindi rito sa school.” My determination to know the truth gave strength to my feet. Agad kong hinila si George papunta sa parking lot ng school kung saan naroroon ang sasakyan niya.
“Hey! Saan tayo pupunta? May school clinic naman ah!” nagtataka niyang tanong nang halos itulak ko na siya para lang mabilis naming marating ang kinapaparadahan ng kotse niya.
“’Wag ka nang mangulit pa. Basta samahan mo ako, okay?!” Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pagkatapos kong sabihin iyon.
Ilang saglit pa at sa wakas nakarating din kami kung nasaan ang kotse niya. Akmang sasakay na kami nang may mga lalaking nakabarong na lumapit sa amin.
“Ms. Maryknoll Vargas?” Takang napalingon ako sa kanila.
“Ako nga po. Pinadala ba kayo ni Papa para bantayan ako? Sorry po ha pero ang pagkakatanda ko, nag-usap na kami tungkol sa mga body-bodyguard na iyan. Ayoko po ng bodyguard.” Namaywang ako sa harap nila. Kung kailan naman kasi nagmamadali ay saka may istorbo.
“Ah, hindi po ang papa n’yo ang nagpapunta sa amin dito.” Nakalas ko ang mga kamay ko mula sa aking bewang sa narinig kong isinagot ng isa sa mga lalaking nasa harap ko.
“Ha?! Eh, sino po?”
“Si Mr. Alonzo po. Mr. FERNANDO ALONZO.”