Umalingawngaw sa isipin ko ang bawat sigawan at huling salitang iniwan ko sa mga magulang ko ng araw na umalis ako sa kanilang poder. Maraming beses ko nang tinangkang bumukod pero hindi ko maiwan ang aking Nanay na pinag tyatyagahan ang mga kamag anak namin na kapatid ng tatay dahil sila ang nagbibigay ng pang araw araw namin gastosin ng kapatid ko sa paaralan. Sa kanila rin kami nakikitira kaya kahit anong sakit ang mga salita at pambababa nila sa amin ay tinatanggap namin iyong lahat.
Ang pinakamasakit sa aking damdamin ay ang pagiwan ko sa aking batang kapatid na nasa ikalawang baitang palang at ang aking Nanay na pinagtyatyagahan ang Tatay na madalas magalit.
Nang gabing iyon ay wala akong magawa at nanghina. Gusto kong magpakalayo layo at hanapin ang sarili ko. Sa loob ng ilang taon nabuhay akong iba ang aking inaalala.
tatlong araw na akong pagala gala sa lansangan. Kahapon lang ang huli kong pagkain at pag inom. Maswerte na ako kung may naawa sa akin at binibigyan ako ng pagkain.
Nang bigla kong naramdaman ang paglamig ng ihip ng hangin. Mukhang uulan.
Dali Dali akong naghanap ng masisilungan ngunit puro taniman ang narating ko. Walang katao tao. Wala akong magawa kundi yakapin ang sarili ko. Mag isa lang ako't nanghihina pa.
Nangangalumbaba na ang mga paa ko sa paglalakad. At natumba ako sa gilid ng daanan.
Bago ko pa man naisara ang aking mga mata ay may nakita ako liwanag ng isang Magarang kotse na tumigil sa aking harapan.
"Bata. Bata Gising!"