Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo rito sa harapan ng Opisina ni Director. Ang Head ng Hospital. Kumatok ako bago ako pumasok. Nakita ko siyang abala sa ginagawa niya sa laptop niya "Magandang Araw po Director" Nakayukong bati ko sa kanya. Nakita kong isinara na niya ang laptop at bumaling sa akin "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo." malamag na untag nito sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay para akong nakaramdam ng tensyon "Sana isinuko mo na si Versola sa Militar. He's a Notorious Criminal. At paano kung positive siya sa Ebola? Eh di maraming tao ang naidamay mo" "Sir, He was my patient. Kapag hindi siya ooperahan kaagad mamatay siya. This is my duty as a Surgeon at gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para iligtas ang pasyente ko. " Pangangatwiran ko. Nakita ko