Habang naglalakad lakad ako ay nakasunod sa akin si Jake. Hindi niy ako kinakausap pero pansin ko ang mga pagtitig niya sa akin sa bawat paglingon ko sa kanya. Ang lawak ng Lupain kung saan naitayo ang Bahay ng Tiyahin ni Jake. Napakapresko ng hangin at ang sarap sa pakiramdam. Parang pakiramdam ko malayo ako sa lahat ng mga problema at hinanakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malaya ako. Napatigil ako bigla nang may nakita akong gusali na kakaiba. "Ano yun?" Turo ko sa bandang direksyon nang makita ko ang kakaibang gusali na iyon. Lumapit sa akin si Jake at tinignan ang tinuro ko "Ah, Paoay Church. Dinadayo yan rito." Ani naman ni Jake. Kung ganoon Simabahan pala iyon. Kaya naman pala may nakita akong Krus sa itaas. "Let's go. I'll show you." Bigla niya akong hinawakan sa kamay ko