HINDI na rin ako nagpatumpik na hindi silipin ang unit na sinasabi nila mommy, kaya after kong kumain ng breakfast ay umakyat na rin ako sa taas para maligo. Gusto ko nang makita ang unit na binili nila para sa akin. Todo ngiti ako habang naliligo ako rito. Nasa isipan ko na kung anong gagawin ko sa condo unit ko, may mga gamit na raw iyon pero titignan ko pa rin para malaman kung ano pa pwedeng idagdag ko. Kinikilig talaga ako sa nangyayari ngayong araw. Nang matapos makaligo ay nagbihis na rin ako, isang maong short ang aking sinuot na hanggang sa aking gitnang hita at isang baby blue shirt ang suot ko na may design na pusa. Napangiti ako sa full mirror na mayro'n ako rito, simple lamang ang suot ko pero sobrang bagay sa akin. Sinuklay ko na lamang ang aking buhok at hindi ko na i