NAGULAT kaming lahat nang biglang tumakbo papunta sa amin si Kori at niyakap niya nang mahigpit si Bella. Ang sabi ni Bella sa amin ay may ginagawa raw importante si Kori, eh, bakit nandito siya ngayon, ʼdi ba? “Kori, akala ko may...” Hindi na naituloy ni Bella ang kanyang sasabihin nang niyakap siya nang mahigpit ni Kori. Ay, wow! PDA! Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanila at napatingin sa harap ko, pero bigla kong nakita na may lumalakad pa na isang lalaki papunta sa amin. Si Conrad. “Hey, Kori! Bigla-bigla ka na lamang tumatakbo!” swabeng sabi niya. Pero, agad din siyang tumigil nang makita niya kami. Nakita kong napatingin siya sa akin kaya napaiwas ako. Bigla ko na naman naalala ang nangyari sa amin nu'ng reunion. Napapalunok na tuloy ako rito. Naramdaman kong may sum
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books