CHAPTER THIRTEEN “Gail!” Ni-lock niya ang pinto ng kwarto niya at tinakpan niya ng unan ang ulo niya. Matapos kasi niya itong painumin ng kapeng gawa sa galit at inis ay hindi nagpaalam na umuwi na siya. Sino ba naman kasi ang may gustong masabugan ng bulkan, di’ba? “Open this door! Sisirain ko ito kapag hindi mo binuksan at hindi ako nagbibiro.” Mas lalo niyang idiniin ang pagkakatakip ng unan sa ulo niya. Bahala na ang gagambang nabasa ng ulan pero hindi niya talaga bubuksan ang pinto kahit anong mangyari. “One!” Hindi niya pinansin ang pagbilang nito. “Two!” Niyakap niya ng mahigpit si Ruro. “Three!” Kasabay niyon ang malakas na tunog mula pagkawasak ng pintuan niya na sinipa nito ng pagkalakas-lakas. “What the heck!” Automatic siyang napalundag mula sa kama at