CHAPTER EIGHTEEN “What?!” Pabagsak na nilapag nito ang baso sa mesa. Kumakain kasi sila ng dinner at iyon ang naging reaksyon nito nang sabihin niyang nakasabay niya si Von sa pagpunta kay Miss Belle. “Bakit?” “Nothing.” Umiwas ito ng tingin sa kanya. Ngunit manaka-naka’y sinusulyapan siya nito na para bang may gusto itong itanong sa kanya. “Pumunta rin siya kay Miss Belle dahil kukunin nito ang damit na pinagawa ng mama nito. Inimbitahan mo raw kasi sa party ng kompanya.” “Is that so? Wala na ba kayong ibang ginawa? I mean, nagkausap ba kayo? May pinag-usapan ba kayo?” Napatigil siya sa pagsubo sa mga tanong nito. Kagat labing napatingin siya rito saglit. Hindi niya alam kung sasabihin ba rito na alam na ni Sir Von na kasal silang dalawa. “W-Wala naman. Bakit mo nait