“Aalis ulit ako mamaya.” Paalam niya ulit rito habang kumakain sila ng almusal kinaumagahan. Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. “No. Haven’t you learned your lesson yesterday? Gusto mo bang mabastos ulit ng kung sinu-sinong lalaki?” Bigla nanayo ang balahibo niya nang maalala ang nangyari. “Nagkataon lang na nakatagpo ako ng manyak na lalaki kahapon. Pero hindi ibig sabihin niyon na may makakasalubong ulit akong manyakis ngayon. Payagan mo ako na ako.” Pagpupumilit niya. Natakot siya kahapon, sobra pero kailangan niyang gawin ang pinaplano niya. It’s for her freedom, nababato na siyang kausapin ang puno ng saging sa tabi ng bahay nito. “No.” “Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo kapag pinayagan mo ako.” “No.” “Mag-aaral akong magluto para hindi na nilagang itlog at de lata ang kak