“Come on, Ruro. Follow your mama, baby.” Utos niya sa kanyang aso while jogging. Ito ang isang bagay na na-miss niyang gawin. Ang mag jogging kasama ang aso. Nakakalungkot lang dahil walang Amy na gigising sa kanya at sasalubong pag-uwi galing sa jogging. “Stupid to talk with an animal.” Narinig niyang sabi ni Ahsen sa likuran nila. Tumatakbo lang ito mabagal na sumusunod sa kanila. “Ano ang sabi mo?” Huminto siya sa pagtakbo at hinarap ito. “Nothing” “Akala ko may sinasabi ka.” Sabi niya rito bago muling tumakbo. Wala itong ginawa kundi ang sumunod sa kanila ng aso niya. Nagmumukha na tuloy itong bodyguard na sunod ng sunod sa kanya. Sa tuwing titigil ito ng takbo ay pinapagalitan niya ito. You heard it right, pinapagalitan niya ito. Call her the luckiest woman in the world to scold