ROSE POV
"Sorry no thanks," pag tanggi ko sa kanya. Nawala ako sa mood bigla nang dumalaw ang kalungkutan.
Umalis na ako sa bar at umuwi na lang. Mahigit dalawang linggo ang nakalipas ay walang paramdam ang boyfie kong si Lars o maging ang ahas kong kaibigan na si Regina.
Labis akong nasasaktan sa nangyari. Kahit na wala pa akong balak na patawarin kahit na ang isa sa kanila, dapat ay normal lang na humingi pa rin sila ng tawad sa akin lalo na si Lars.
Subalit wala eh, talagang wala na silang pakialam pa sa akin. Habang nandito ako sa balcony ko, nag aayos ng sarili sa salamin, nag text sa akin si Dad bigla.
"Anak, jan daw muna makikitira ang kaibigan ko. Sa sofa na lang natin siya patulugin. Kawawa kasi, wala na siyang ibang tutuluyan. 2 weeks lang siyang mag i stay hanggang sa maayos niya ang problema niya sa office."
Napa taas ako ng kilay sa sinabing ito ng papa ko. Bukod sa kaniya, wala na akong ibang gusto pang tao na tumira rito sa condo namin.
Hindi ba niya naisip na babae ang anak niya? Nako talaga ang papa ko, pag sasabihan ko ito mamaya kapag umuwi siya. Ayaw ko nang replayan ang papa ko, hihintayin ko na lang siyang umuwi mamayang 6 pm.
Suddenly, mayroong kumatok sa pintuan. Napatingin ako kaagad rito at napa kunot ang aking noo. Sino kaya ang taong ito na kumakatok. Sa pagkaka alam ko ay wala akong bisita ngayong araw.
Pero nabuhayan ako ng dugo, baka si Lars na ang kumakatok sa pintuan, may dalang bulaklak at gustong humingi ng sorry sa lahat ng nagawa niya sa sakin.
I dragged my feet towards the door, when I held the door knob, huminga ako ng sobrang lalim. Whatever happens, kahit ilang sorry pa ang marinig ko galing kay Lars, there is no way I can forgive him.
Pag bukas ko sa pintuan, dumakdak ako kaagad.
"Ano Lars!? Ang kapal mo namang mag punta rito matapos mong makipag s*x kay Regina? Ang kapal kapal naman pala ng pag mumukha mong lalaki ha?"
"Teh!? Anong pinag sasabi mo jan, si Moira ito?"
Nanlaki ang mga mata ko kasi si Moira pala ang kaharap mo ngayon at hindi ang cheater kong boyfriend. Tiningnan ko siya ng may pagka gulat. May dala siyang cake sa kaniyang kamay at wine.
"Moira? Ikaw pala ito? Bakit hindi mo sa akin sinabi na balak mong pumunta rito sa condo ko?" Bungad ko na tanong sa kaniya.
Napa ngiti siya, "Do you know the element of surprise?" tanong niya, mabilis na nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at napalitan ito ng pagiging seryoso. "So totoo nga talaga ang nasagap kong balita galing kay Lars na iyak ng iyak sa akin dahil sa sobrang nasaktan ka niya."
"Bago ang lahat, mas maigi pa siguro kapag pumasok ka muna rito sa loob at pag usapan natin kung ano ang gusto mong pag usapan."
Tumabi ako sa gilid upang makadaan ang kaibigan ko. Sinarado ko ang pintuan at umupo ako sa kaniyang harapan. Nag titigan lang kaming dalawa sa harapan ng cake at wine na dala dala niya. Ilang segundo pa ang lumipas, napa yuko na ako at dito na bumagsak ang luha sa aking mga mata.
To the rescue naman ang kaibigan ko na iniusog ang upuan at tumabi sa akin. She offered her arms and hug for me kasi sobra talaga akong nasasaktan sa ginawang ito ni Lars.
"Bakit ganu'n!? Bakit sa lahat pa ng mga babae, si Regina pa talaga ang lalandiin ng boyfriend ko? Mas mapapatawad ko pa sana kung sa ibang babae siya nakipag s*x pero bakit sa kaibigan ko pang tinuturing kong parang kapatid ko na rin?"
"Eh wala tayong magagawa. Kapag libog talaga ang umiral sa utak ng dalawang taong magkasama, siyempre ang kasunod nito ay matinding bakbakan. Ano ba, mag kwento ka nga sa akin. Narinig ko na ang version ng kwento ni Lars at nag punta ako rito para marinig ko naman ang version ng kwento mo. But bago ang lahat, mas maganda sana kung iinom tayo ng wine."
Si Moira pa mismo ang tumayo at kumuha ng baso at mga platito. Hindi talaga siya isang mahiyaing tao, sobrang at home na at home ito. Buti na lang at tinuturing niya pa rin akong kaibigan.
Habang nag i slice siya ng cake, napatanong ako sa kaniya.
"Nag uusap pa ba kayo ni Regina?"
"Nako teh! Kagaya mo ay galit din ang nararamdaman ko para kay Regina sapagkat sinaktan niya ang damdamin mo. Akala ko pa man din ay besties for life na tayong tatlo. May ahas pala tayong nakuha. That day kasi na nahuli mo ang jowabells mo sa akto, nag punta siya sa akin at umiyak na. Si Regina, ewan ko lang sa babaeng hitad na yan."
"Dapat sa akin siya dumeretso at hindi sayo. Dapat sinuyo niya pa rin ako kahit na galit na galit ako sa kaniya. Pero wala eh, talagang kahit na simpleng effort, wala siyang ginawa kaya sukdulan na ang galit ko."
"Talaga bang nakita mo silang nag se s*x? Yung actual na s*x as in may penetration ng nagaganap?" pag uusisa ni Moira sabay inom ng wine.
"Oo, ang galing galing pa nga ng mga dirty talks nilang dalawa. At sarap na sarap sila sa isa't isa. Jusko, para akong sinasaksak sa puso ko ng paulit ulit habang nakikita ko silang dalawa."
"Hayaan mo na, may karma rin naman ang mga taong kagaya nila na gumagawa ng masama. Tsaka alam mo ha? Normal na normal lang din siguro sa mga lalaki ang maging mapusok lalo na sa edaran ni Lars. Puro libog lang nga siguro ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ito ha, ipag tapat mo lang sa akin ang buong katotohanan, ikaw ba, sinuko mo na ang bataan mo sa boyfriend mo?"
"Siyempre hindi! Bakit ko isusuko ang isang bagay na sobrang mahalaga sa akin? Ilang beses niya itong tinangkang kuhain sa akin pero sinabi ko na ibibigay ko lamang ang sarili ko sa kaniya kapag kasal na kaming dalawa."