ROSE POV
Last day na namin dito sa school, at ngayong araw ay balak kong mag gala kasama ang mga kaibigan kong sila Regine at Moira, ang mga matatalik kong kaibigan.
Subalit nataon din na ngayong araw ang 3rd anniverssary namin kaya bago ako mag gala mamaya kasama ang mga kaibigan ko, dadalaw muna ako sa kanyang condo unit sa Mandaluyong upang dito ay mag bigay ng cake sa kanya.
So nag dropped by muna ako sa isang mall sa shaw bago ako dumeretso sa condo unit niya. Abot langit ang ngiti ko habang papalapit ako sa kanyang condo unit.
Sa loob kasi ng ilang buwan, parehas kaming naging busy ni Lars, busy ako sa thesis namin ay siya naman ay busy sa pag lalaro niya ng sepaktakraw. Ilang beses na nga silang nag champion at sobrang proud lang ako sa kanya kasi palagi siyang MVP at binibigyan niya ng karangalan ang school namin.
Malakas pa ang dating niya at isa siyang certified hearth throb ng aming school. Half American kasi siya na mayroong pusong pinoy. At sobrang habang lang ng hair ko nang ako ang mapili niyang maka sayaw sa night party namin noong second year college ako at hiningi pa ang number ko after that.
Ako at si Regine kasi, parehas kaming may lihim na gusto kay Lars, sa dami ba naman ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya, talagang para akong nanalo sa lotto. And the fact na maraming temptasyon sa paligidi subalit nagawa niya pa ring maging loyal, it only means na talagang totoo ang pag mamahal niya sa akin.
Nag paubaya na rin si Regine at sinabi niya na masaya siya sa naging relasyon naming dalawa ni Lars, sa katunayan nga, siya raw ang tumulong kay Lars na ayusin ang pa suprise nito sa akin noong second anniversary naming dalawa. And she was also there para kiligin sa amin.
Pag pasok ko sa loob ng lobby, hinarang ako bigla ng guard. I have been here only twice at sa sobrang lutang ko rin siguro ay naka limutan kong magpa log in sa kanya.
"Ma'am excuse me po, paiwan na lang po ng ID ninyo at palagay kung ano ang name ng bibisitahin ninyo." saad niya, magalang naman siya mag salita at di siya yung kagaya ng isang guard dati na tadtaran ng sungit.
Nag log in ako at nag iwan pa ako ng ID, tapos ay dumeretso na ako sa 15th floor, grabe ang sarap sa pakiramdam na nakarating din ako sa kanyang condo unit. Subalit ilang hakbang pa papalapit dito, ang excitement ko ay bigla na lang nawala.
Bakit ganun, nabalot ang buong katawan ko ng kaba sa mga sandaling ito. Di ko maintindihan ang sarili ko, ang huling beses na kinabahan ako ng ganito ay noon pang high school ako na niloko ako ng una kong boyfriend na si Renzo na nag drop out din sa aming school dahil na rin sa pagiging bulakbol niya at pasaway sa aming klase, at pagiging babaero ngunit pinatawad ko pa rin siya. Ewan ko nga kung bakit ko sinagot ang mokong na yun sa kabila ng maraming red flags niya. At kahit na wala kaming closure sa break up namin, medyo nasaktan din ako kasi nag laho na lang siya na parang bula.
Nang nasa pintuan na ako, bigla namang nag ring ang cellphone ko sa aking bulsa, sinagot ko muna ito kahit na nahihirapan akong hawakan ng isang kamay ang cake. For sure, si Dad kasi ang tumatawag kasi pauwi na rin siya mamaya galing sa Taiwan at muli kaming magkakasama sa condo unit ko.
Hininaan ko lang ang boses ko at medyo lumayo muna ako sa pintuan ng condo ni Lars.
"Dad, ayos na po sa condo, iniwan ko po yung susi sa guard," sabi ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Marami akong pasalubong sayo anak, nasaan ka ba ngayon?"
Ang tatay ko talaga, napaka hulyaning tao, nag paalam naman ako sa kanya na pupunta lang kami sa isang bar kasama ang mga kaibigan ko at pumayag siya kasi matanda na raw ako at natupad ko ang pangako ko sa kanya na ga graduate ako.
"Nandito po ako sa condo ni Lars, gabi pa po ako makaka uwi kasi ay lakad din po kami ng mga kaibigan ko Dad. Di ba po pinayagan niyo naman akong mag party kasi natupad ko po ang pangako ko sa inyo?"
"Ah, sorry Rose, sige anak, ingat ka jan, at happy 3rd anniversary nga pala sa inyong dalawa ni Lars, maganda yung samahan ninyo at natutuwa ako sa kanya kasi inalagaan ka niya ng tatlong taon habang wala ako."
"Yes Dad, hayaan ninyo, sasabihan ko siya tungkol dito mamaya. Sige na po, tatawag na lang ako sa inyo mamaya ulit."
"Okay, give me an update, and siya nga pala, naka usap ko na ang kaibigan kong Manager, sabi niya, pasa ka lang daw ng resume sa kanya para makapag start ka na."
Nagulantang ako sa sinabi niya, "Ha? Dad, di pa po ako nakaka graduate eh, bakit ang bilis naman? Gusto ko pa sanang makapag bakasyon kasi sobrang stress po ng pag aaral."
"Alam ko, pero kasi anak, tuloy tuloy ang pag babayad natin ng bills sa bahay at wala na akong trabahong babalikan sa taiwan-"
"Dad, let us talk about this one later, okay? Medyo nabibigla lang din ako sa mga nangyayari eh," pag putol ko sa kanya.
Pinatay niya kaagad ang tawag at napa hinga ako ng malalim. Ang hirap talaga kapag kaming dalawa na lang ngayon ang magka tuwang sa buhay, ang nanay ko kasi ay nag taksil sa America noong siya ay mag abroad kaya kaming dalawa na lang ni papa ang magka tuwang sa buhay.
Pero mamaya ko na iisipin ang mga ito, sa ngayon ay sobrang importante lang sa akin na makapag celebrate kaming dalawa ni Lars. Kumatok ako ng ilang beses sa pintuan subalit walang nag bubukas ng pinto. 8 pm pa lang ngayon, marahil ay tulog siya kasi kahapon ang last day class nila. Nauna pa sila sa amin, hinawakan ko ang door knob at nag taka ako kung bakit ito bukas.
So, I opened the door at dahan dahan kong niyapak ang mga paa ko papasok, one bedroom lang ang condo unit ni Lars kaya sala kaagad ang bumungad sa akin. Nagulat ako kasi may bag na pambabae sa sala, and it looks so familiar.
"Ahhh ahhhh ahhhhh... sige pa babe... isagad mo pa... ahhhh ahhhh... grabe ang laki ng t*ti mo... ahhhh ahhhh..."
Dahan dahan akong lumingon sa pinang gagalingan ng ungol hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng makita si Lars na binabayo ang bestfriend kong si Regina.