Chapter 18 Ilong

1443 Words

Naging emosyonal sila nang oras na iyon, tanaw ni Hezekiah ang sementeryong kinahihimlayan ng kaniyang ina. Hindi man niya ito nasilayan, at nakasama ay alam niyang mayroon pa rin siyang dapat na ipagpasalamat dito, dahil binuhay siya nito sa kabila ng mga dagok nila sa buhay. Hawak-kamay sila ni Hilaria at Natasha, napapagitnaan siya ng mga kapatid na taimtim lang din na umuusal ng dasal. Kasama rin nila ang tiyahin nilang si Mamu Delia at T'yong Totoy, tahimik lang din ang mga ito na tinitingnan ang pontod ng namayapang kapatid nito. Nag-sign of the cross sina Hezekiah saka pa minabuting umalis. Nalulungkot man, ay hindi siya nagpakita ng kalungkutan sa kaniyang mukha. Ngumiti siya habang tahimik na nagpaalam sa pontod ng kaniyang ina. Hindi man niya masabi, pero pinatawad na niya it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD