Nang makauwi si Kiah sa mansion ni Natasha ay agad itong sinalubong ng kapatid. "Oh, what happened?" bungad pa ni Natasha sa kapatid. Umiling si Kiah saka ngumiti, ngunit napalitan iyon ng mumunting hikbi. Agad siyang niyakap ng kapatid at pinakiramdaman. Alam ng kapatid niya ang nararamdaman niya, at hindi naman ito manhid na may pagtingin siya kay Mori, na siyang amo niya. "Natasha...tulungan mo 'ko, gusto kong magbago...gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako mababaw." "Sssh, don't worry, please calm down." Sabi pa ni Natasha na ramdam ang pinagdadaanan niya. "Don't worry, sis. I'll do everything, ano ba ang plano mo?" "Gusto kong matuto, gusto kong iangat ang sarili ko, ayokong maging mang-mang. I want your help." Sabi pa ni Kiah. Sa pagkakataong iyon, ay nagtingina