Chapter One - First Meet

2017 Words
3 years later (2029) Mula ng umalis si ate sa bahay at maagang nag-asawa maraming nagbago sa amin. Madalas pumupunta ako at ang magulang namin sa mansyon ng pamilya ni ate Elle. Kaso, isang pangyayari ang magdudulot ng matinding kalungkutan sa amin at asawa ni ate mula nang tumakas ito para magpagamot ang sakit niya. Nagalit na sa amin si kuya Ash dahil hindi man lang namin sinasabi sa kanya kung bakit umalis si ate noong panahon na 'yon. Nagbago ang bayaw ko mula noon umalis si ate Elle ang dating Ash Chen Swellden nagbago at naging playboy. Nanghihinayang ako sa kahihinatnan ng buhay ni kuya mali si ate hindi niya sinabi kay kuya ang totoong kalagayan niya natatakot si ate na mamatay sila sa kamay ni kuya hindi niya 'yon gustong mangyari. Noong umalis si ate sa Pilipinas kasama niyang umalis ang pinag-bubuntis niya at ang sakit na nagpapa-hirap sa buong katawan niya. Kaso, hindi sumuko ang magulang ko na hanapin si ate sa iba't-ibang bansa dahil ang magulang ko nag-aalala katulad nang pag-aalala ko ng sobra. Nandito kami ngayon sa South Korea dahil dito na-trace ng personal investigator ang ate ko nagkataon pa na may concert kami dito kaya sinabay namin ang paghahanap kay ate Elle. Miss ko na si ate tatlong taon lang pero pakiramdam ko sampung taon na ang nakalipas hindi namin alam kung buhay pa ba siya o hindi na dahil hindi niya tinupad ang bilin ni daddy na kahit malayo siya huwag na huwag niyang kakalimutang kontakin kami. "Mommy, may show kayo dito, right? Dito rin ba natin hahanapin si ate Elle?" pagtatanong ko sa mommy ko habang namamasyal kaming dalawa. "Oo, sabi ng private investigator natin dito niya huling nakita ang ate Elle mo." sagot kaagad sa akin ni mommy yumapos ako sa baywang kahit naglalakad kami matanda na siya pero nag-mukhang mas matanda ito ngayon dahil sa stress. Sana mahanap namin si ate miss na miss namin siya at sana kung parehas silang buhay magparamdam man lang siya sa amin para hindi ganito ang nakikita ko sa magulang namin hindi ako nagagalit o nagtatampo kung bakit hindi nagparamdam si ate kundi, natatakot sa resulta nang paghahanap namin sa kanya. "Sana nga makita na natin si ate Elle hindi niya alam naging playboy na ang asawa niya nang iwan niya ito noon." sabi ko na lang sa mommy ko bumuntong-hininga na lang kaming dalawa. Kung hindi iniwan ni ate si kuya Ash hindi 'yon magkaka-ganun dahil sobrang loyal ni kuya Ash sa kanya. "Mali man ang ginawa niya alam natin ng daddy mo ang dahilan niya buntis sya at nalaman niya pa na may sakit siyang lumala pa natatakot lang na kawaan ng asawa niya at iwanan niya ito nang mag-isa." pahayag naman ni mommy sa akin akala namin magaling na si ate sa sakit niya pero hindi dahil bumalik itong sakit na nagdudulot sa kanya ng stress at depression. "Wala siyang tiwala kay kuya mahal siya nito kaya nagpakasal sila agad mag-18 years old si kuya pagkatapos ng birthday kinasal sila at pumayag kayo kasi legal naman ang relasyon nila sa pamilya ng bawat isa." sagot ko na lang sa mommy ko at umiwas kaagad ako nang tingin. Napatingin sa akin si mommy at nagsalita kaagad siya ang pamilya namin sobrang close talaga hindi nga, magulang o anak ang turing namin sa isa't-isa para kaming magkakaibigan. Kahit bakla si dad tanggap namin ni ate Elle, oo noong una hindi ako makapaniwala na ganun si dad pero kahit ganun iba ang pagmamahal niya sa amin ni ate at kay mommy. Mas tunay na lalaki pa si daddy sa ibang mga straight na lalaki dahil hindi nito iniiwan ang responsibilidad na ginawa nito. Kung makakakilala ako ng lalaking magmamahal sa akin 'yong lalaking katulad ni daddy straight o bakla man. "Natakot ang ate mo sana makita na natin siya dapat niyang malaman na may girlfriend na ang kuya mo." sagot naman ni mommy sa akin sumang-ayon ako sa sinabi ni mommy. Pinuntahan naming dalawa ang apartment na sinasabi ng private investigator sa pamilya namin. "Sana malaman natin kung saan na lumipat si ate mom miss ko na siya." nasabi ko na lang nang magtanong kami sa isang nakatira dun kung nasaan ang taong nakatira sa kinatukan naming pintuan. "Lahat tayo, anak miss na natin siya sana magaling na ang ate mo sa sakit niya." sagot ni mommy sa akin bago kumatok sa isang pintuan. "Does someone named Kimberly Ellen Villa live here?" tanong ni mommy sa taong nagbukas ng pintuan. "No one who used to live here, left a few weeks ago with a child." sagot sa amin ng bumungad sa amin natigilan kami ni mommy sa narinig. May kasamang bata...ibig sabihin, buhay ang mag-ina ang ate ko at ang pamangkin ko. "Someone told us that someone named, Kimberly Ellen Villa lives here and I am her mother." sabi ni mommy at nagsalita kaagad ang kaharap namin at may tinignan. "There is someone who became her friend and she lives there, ask her." suggestion naman ng kausap namin sinundan ko ng tingin ang tinuro nito. Nalaman pa namin na umalis na daw ang nakatira dito noong nakaraang linggo pa. "Annyeonghaseyo!" bungad sa amin ng matandang babae na lumabas mula sa kwarto. (Hello!) "Annyeong!" bati namin ni mommy sa matandang babae. (Hello!) "Can I ask something? Hm, do you know how to speak English." panimula ni mommy hindi kami pumasok sa loob ng kanilang bahay. "Yes, I know anyway, what can I do for you?" pagtatanong ng matandang babae sa amin nakikinig lang ako. "Someone told us that my daughter has a friend here so we came to you, can we talk to her?" tanong ni mommy nakamasid lang ako sa paligid namin mabuti at walang nakakakilala sa amin dito. "What's your child's name?" tanong ng matandang babae sa mommy ko. "Kimberly Ellen in short Elle her name." sagot kaagad ni mommy desperada nang malaman kung nasaan si ate. "I remember the name you mentioned, but I'm just not sure, you entered our house and my daughter who is your daughter's friend is coming home." sagot ng matandang babae nakikiramdam ako sa paligid namin hindi sa hindi naniniwala naninigurado lang kami ni mommy. "Kamsahanida!" sagot ni mommy sa matandang babae umupo na lang kami sa sofa nila. (Thank you!) Napaka-simple ng bahay nila at tumabi na ako ng upo sa mommy ko. "Sana alam niya kung nasaan ngayon si ate bago man tayo makabalik sa pilipinas, mom kung may kasama siyang bata, ibig sabihin anak nila 'yon nanganak siya ng maayos may apo at pamangkin na tayo, mom." bulalas ko na lang binigyan kami ng maiinom pero hindi ininom. "Sana nga, anak sobra na akong nag-aalala sa ate mo kahit may show kami dito ng daddy mo sinubukan ko lang kung totoo ang sinabi sa atin ng PI." sagot sa akin ng mommy ko gusto ko din malaman kung nasaan si ate Elle. "Gusto ko rin po malaman, mom." sagot ko. Napalingon kami sa likuran namin at nakitang may lumabas na dalaga. Ngumiti kami sa dalaga lumapit ito sa amin. "Are you friends of my daughter here in Korea? Can I ask you, if you know where she is now?" tanong ni mommy sa dalagang lumapit sa amin. "Are you her mother? I know where he moved and went." pahayag sa amin ng dalaga na tingin ko ka-edad ni ate Elle. "Really!? Where did he go?" tanong ng mommy ko hindi na siya paligoy-ligoy ako pa ang nahiya sa inasta ni mommy. "She was in France where she moved, where his doctor lived she's only been here for a couple of weeks before leaving again maybe you find it but the real place where she lives in France, Mrs. villa." bulalas sa amin ng dalaga may kakilala kami sa France pwede kami humingi ng tulong sa kanila kung sakali. "Thank you, thank you for giving me information about my daughter your friend we are coming back to the hotel where we just went on our way to find out here." sagot kaagad ni mommy na tumayo kami sa upuan at nakipag-kamay bago umalis sa kanilang tahanan bago nilakad pqpunta sa sakayan ng terminal bus papunta sa hotel na tinutuluyan namin. "Mom, nasa France si ate pupunta ba tayo dun?" pagtatanong ko na lang sa mommy ko. "Kami ng daddy mo na lang ang pupunta sa France may klase ka pa sa Pilipinas may mall show abroad tayo kaya nandito tayo sa Korea." banggit ni mommy sa akin masaya ako nalaman kung nasaan si ate Elle at ang strange na pamangkin ko. "Okay." nakangiti kong sagot sa mommy ko at hinawakan sa balikat tatlong taon namin hinanap si ate nang hindi sinasabi kay kuya Ash. Nang papasok na kami ng bus may sumabay sa amin na isang lalaki at nabangga ako. "Mister?" tawag ni mommy sa lalaking naka-salamin. "Mom, hayaan mo na siya aalis na ang bus." sabat ko alam naming siksikan hindi naman niya sinasadya. "Walang respeto sa babae." pahayag ni mommy nang makaupo kami sa bakanteng upuan. "Korean hindi ka niya naintindihan, mom," sabi ko. Bumaba na kami sa bus tinignan pa naming dalawa ang lalaking bumangga sa akin na hindi bumaba kanina. Kumunot ang noo namin na pumasok din sa hotel na tinutuluyan namin. "Taga dun pala, mom." nasabi ko na lang nang sundan namin ng tingin ni mommy. Lumakad na rin kaming dalawa papunta sa hotel nakita naming nag-aabang si daddy. Lumapit kaagad kaming dalawa nang makita namin na nakatingin ito sa amin. "Anong nangyari sa lakad nyo?" tanong ni daddy kay mommy hinalikan muna niya sa labi bago lumakad papasok sa loob ng hotel room. "Nakausap namin ang babaeng pumalit sa apartment na tinirhan ng anak mo lumipat na daw at tinuro sa amin ang naging naging kaibigan dito." kwento ni mommy kay daddy nasa kabilang side ako. "Tapos?" pagtatanong ni daddy kay mommy umalis muna ako para makapag-palit ng damit. "Nakausap namin ang naging kaibigan ni Elle ang sabi niya nag-bakasyon lang daw ito dito kasama ang apo natin nanganak na siya hindi man lang sinabi sa atin." kwento ni mommy kay daddy nang marinig ko. Nang makapag-palit ako ng damit balak kong sabihin kay kuya Ash ang nalaman namin kaso naalala ko ang kalaguyo ni kuya! Kaya kahit kay ate Jinchi o Jinchi hindi ko sinabi ang nalaman namin tungkol kay ate Elle. "May apo na pala tayo, nasaan na siya ngayon?" tanong ni daddy sumilip ako sa kwartong ginagamit ko. "Nasa France na siya, dad lumipat siya mula sa Canada." sabat ko na lang "May plano ka ba, princess?" pagtatanong ni daddy kay mommy nakikinig lang ako sa kanila. Noong nawala si ate parehas kami nagkaroon ng depression ni mommy dahil sobra kami close. Muntik nang mawalan sa sarili si mommy nang hindi na namin ma-kontak noon si ate Elle mabuti na lang hindi nahawa si daddy at sinamahan lang kami sa pinag-dadaanan namin. "Sa isang linggong leave natin sa trabaho pupunta ng France at hindi makakasama ang anak mo ang pasok pa siya sa school Senior High School na siya graduating na." pahayag ni mommy kay daddy tumingin pa sila sa akin gusto kong sumama kaso hectic ang schedule ko. "Saka may recording ka pa sa studio," banggit ni daddy sa akin isa akong singer at hindi actress o comedian katulad ni daddy. Ako lang ang naka-mana sa talento ni mommy sa pagkanta at ito lang gusto kong gawin kahit maraming offer sa akin na umarte tinatanggihan ko. Pumasok man ako sa mundo ng showbiz hindi bilang artista kundi isang singer. Kinabukasan, habang nag-aalmusal kaming tatlo nagsalita kaagad si mommy sa amin. "May rehersal tayo bukas sa studio ng isang network nandun ang isang makakasama natin." sagot ni mommy. "Okay, mom." nasabi ko na lang. "Tapos na ako maligo ka na rin maaga tayo pupunta sa network kasama ang manager natin." sabi ni mommy sa amin. "Okay, mom." sabat ko na lang at pumasok na rin sa loob ng banyo para maligo. "Makikita ka rin namin, ate." nasabi ko na lang sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD