Chapter One
PAUNAWA: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang eksena, kontekstong panlipunan at mga pangyayaring maaaring hindi angkop sa mga mambabasang nasa edad 18-pababa.
TYLER GIDEON
"TONYO! Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-score sa misis mo? Bakit ang tagal bago mo siya mabuntis?"
Ito ang tanong ni Mang Ambo sa akin habang ako ay nag-aayos ng sirang sasakyan.
"Pagod kasi ako palagi pag-uwi Mang Ambo. Tapos masyadong masungit, tinatalikurn aako kapag nasa higaan na." Nakangiti kong tugon habang patuloy pa rin s pag-aayos ng sasakyan na kailangang matapos hanggang mamayang hapon.
"Sa kisig mong iyan, hindi mo pa rin makita ang kiliti ng asawa mo? Baka naman kasi hindi ka naliligo bago ka matulog?" Natatawa niyang tanong habang naglilinis ng sasakyan sa tabi ng sasakyang inaayos ko.
"Alangan namang hindi, Mang Ambo? Requirement iyon bago ako makatabi sa kaniya."
"Hindi kaya gusto niyang gumawa ka ng paraan para mapilit mo siya?"
"Hindi ko nga maintindihan iyon Mang Ambo. Sarap kutosan."
Iyon ang aking wika habang sa loob-loob ko ay natatawa ako sapagkat sa totoo lang ay nakakaraming puntos na ako sa babaeng garapal na iyon. Kulang na nga lang ay gahasain ako kapag tulog ako.
"Baka gusto niya ng parody."Natatawa niyang wika.
Si Mang Ambo, o Mang Ambrocio Valdesancho ay ang may-ari ng pinapasukan kong repair shop sa Sitio Kupang. Malapit kasi ito sa syudad kaya't maraming nagpapaayos dito ng sasakyan.
Kailangan kong ilabas ang talento ko sa ganitong larangan dahil hindi kami mabubuhay ni Olivia o mas kilala dito bilang Oleng kung panay lang ang pagtatago naming dalawa. Nagagawa ko pa rin namang makipag-usap sa ilang mga tauhan na nagawakong maging kasabwat bago kami makaalis sa Casa Esperanza.
"Natatawa naman ako sa'yo Mang Ambo. Anong parody naman ang pinagsasabi mo?"
"Magpanggap kang superhero, o kaya naman si Tarzan. Minsan gusto lang ng mga babae ay inaakit sila. Para lang masatisfy sila." Payo niya sa akin.
"Sige nga, Mang Ambo, susundin ko iyang payo mo."
"Abah kung ganoon ay dalian mo na hijo. Baka maunahan ka pa ng iba."
"Wala naman pong nagbabalak sa asawa ko."
"Hindi natin masasabi iyan, hijo."
Sabagay. Pero sa mga puntong ito, medyo mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Olivia na hindi ko alam kung paano ko aayusin. Lately, she has been so sensitive about everything. She's easily annoyed at kapag naglalambing ako ay palagi na lang niyang sinasabi na one of these days ay iiwan na niya ako. It all started one night nang hindi ko siya mapagbigyan because I am so tired angd I can't even eat properly dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko. After that, hindi na niya ako pinansin hanggang sa magtagal ang araw at hindi na talaga niya ako masyadong kinakausap.
I gave her time to realize her immaturity but since I love her, ako pa rin ang laging lumalapit para kausapin siya.
"Mang Ambo, pwede ba akong umabsent bukas? Mayroon lang kaming lugar na papasyalan ng asawa ko." Paala ko.
Sa totoo lang, mayroon talaga kaming pupuntahan. We need to go to Casa Esperanza to look for something na mayroong kinalaman sa tunay naming mga pagkatao. Although alam ko na but it is stille nice na makita ko mismo ang proweba.
"Maganda iyan. Mukhang bukas mo na gagawin iyong parody mo ah? Saan ba kayo pupunta? Mamumundok kayo? Baka pwede ka nang maging Adan doon kung iyon ang gusto niya." Natatawa pa ang matanda nang sabihin niya iyon sa akin.
"Si Mang Ambo talag oh. Pero kailangan ko lang talaga siyang ipasyal para naman magkaroon ako ng oras sa kaniya. Hindi po ba?"
"Tama iyan hijo. Sige, papayagan na kita."
"Salamat po Mang Ambo. So, baka pwede akong mag-advance sa sahod ko?" Nakangiti kong sabi.
"Magkano ba ang kailangan mo hijo?"
"Kahit mga limang libo lang boss." Nagpunas ako ng pawis gamit ang aking face towel at saka humarap sa kaniy.
"Ang liit naman." Tumingin siya sa paligid at tiningnan kung nakatingin ang iba kong mga kasamahan.
"Halik dito," aniya.
Lumapit naman ako at nakitang naglabas siya ng pera sa kaniyang bulsa.Tig-iisang libo iyon at nafold ng dalawa.
"Bibigyan kita ng sampung libo. Avance mo iyon lima at yung lima ay tip na dahil wala kang absent." Sabi pa niya.
Mabait ang matanda. Wala silang anak ng misis niya kaya't itinuring na rin nila kaming anak ng asawa ko. Ang isang bagay lang na hindi ako kompyansa ay masyadong matanungin ang asawa niya kaya't kahit gusto kong patusin ang alok ng matanda na sa kanila na kami tumira ay hindi ko tinanggap. Mahirap na kung mayroong makakaalam ng aming tunay na pagkatao.
"Boss, hindi kaya sobra sobra na iyan?" Tanong ko.
"Sakto lang iyan. Huwwag ka naa lang maingay hijo." Aniya.
"Naku, Mang Ambo salamat." Agad ko namang ibinulsa ang sampung libo at bumalik sa aking ginagawa.
Sa totoo lang ay mayroon pa kaming ipon ni Olivia, ngunit ayaw namin iyong galawin dahil nakalaan iyon sa emergency para sa aming dalawa. Siya at ako lang ang nakaalam ng tungkol doon kaya naman dapat ay lagi siyang naiiwan sa bahay. Nandoon din ang dalawang baril ko at tinuruan ko siyang humawak at magpaputok nito upang kung sakaling mayroong lumapit sa kaniya na kahina-hinala ay malabanan niya sa bahay.
"Maaga kayong umuwi. Pagkatapos mo diyan ay pwede ka nang umuwi. Maaga kaming magsasara dahil pupunta kami ni misis sa San Mateo. Dadalawin namin ang kapatid niya." ANi Mang Ambo.
"Matatapos ko na po. Mabuti naman at nang maaga akong makapapahinga kasama si Oleng." Nakangiti kong wika.
ALAS TRES ng hapon nang pumara ako ng tricyly pauwi sa kanto namin sa Sitio Kupang. Hindi nakakapasok ang tricycle doon kaya't sa labas na lang kami bumababa.
Pagkaabot ko ng bayad ko ay nagmadali akong naglakad pauwi sa aming inuupahang kwarto. Excited akong umuwi dahil gusto kong ipasyal mamaya si Olivia at kakain kami ng street foods na gusto niya.
"Oleng!" Tawag ko habang kumakatok sa pintuan.
"Oleeng!" Sa panay kong pagkatok ay waang sumasagot.
Pinihit ko ang doorknob at nagtataka ako kung baakit iyon bukas. Hindi iyon bukas kapag umuuwi ako dahil kabilin-bilinan ko na maglalock ng pinto kapag wala ako.
"Oleng!" Nataranta akong pumasok at sa dismaya ko ay wala akong nakitang Oleng sa loob. Maging sa kwarto ay wala.
"Hindi ba siya lumabas?" Napasabunot ako ng aking ulo habang nag-iisip kung saan siya pumunta pero wala akong ibang maisip.
Imposible kasing lalabas siya na hindi naka-lock ang pintuan. Hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang puting papel na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong nilapitan at madaling binuklat upang basahin iyon.
TYLER,
Mahal na mahal kita. Pero hindi ko na kayang magtiis sa buhay na mayroon ako kapag kasama ka. Gusto ko namang sumaya at makaranas ng ginhawa. Huwag mo na akong hahanapin pa dahil ayaw na kitang makita pa.
Pakiusap lang sana, huwag mo na akong gagambalain pa.
Olivia Pauline Ramirez
Nalamukos ko ang papel na iyon na naglalaman ng sulat niya.
"Imposible iyon. Nag-aaway tayo Olivia pero hindi mo ako iiwan. Damn!" Natadyakan ko ang paa ng mesa at saka iyon umurong.
Hanggang sa maagaw muli ng atensyon ko ang malunggay na bagong himay na nasa planggana at nakatapat sa ssink ng gripo. Mayroon pa iyong tubig at tila ba hinuhugasan niya bago siya umalis.
Binuklat kong muli ang papel na nilamukos ko at wala akong nakitang basa mula dito. Doon na ako nagtaka kung ano ang nangyayari.
"Tangina, Mang Tasiooo!" Buong lakas kong sigaw ha]bang nagngingitngit ako sa galit. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nandoon lahat ng gamit niya.
Napaupo ako sa sahig at nanginginig ang mga balikat ko dahil sa unti-unting paghikbi.
"Oliviaaaaa!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit.
Hindi siya maaaring mawala at makuha ng Mang Tasio na iyon. Hindi siya maaaring mapasakamay ng taong mortal kong kaaway. Hindi.
Tumayo ako at dali dali kong inayos ang mga gamit kong pwedeng dalhin. Aalis ako ngayong gabi at susuyurin ko ang buong Casa Esperaanza para lang mabawi ko ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat.
Hinding hindi ako makpapayg na mayroong masamang mangyari kay Olivia dahil hindi ko mapapatawad ang sino mang manakit at gumalaw sa kaniya. Itataya ko ang buhay ko sa babaeng iyon.
Kaya naman nagbihis na ako ng damit kong tago ang tunay kong identidad at nagsumbrero ng itim. Bitbit ang itim kong bag ay lumabas na ako ng kwarto at saka ako nagsara ng bahay.
Agad akong tumungo sa tindahan at bumili ng isang bote ng tubig at saka tinanggal ang laman niyon. Bumili rin ako ng isang bote ng beer at saka ko iyon ibinuhos sa bote ng tubig bago ako naglakad palabas ng kanto.
"Abah, si Tonyo iyon ah. Tonyo, saan ang punta mo?" Sigaw ng isang matanda na nagtatakang naglalakad ako sa ganitong hitsura.
Hindi na ako lumingon pa at dire-dir[etso lang ang lakad.
Sa loob-loob ko ay nagsalit ako:
"Olivia, hintayin mo ako. Ililigtas kita! Handa akong pumatay at mamatay para sa'yo, mahal ko!"
"Hintayin mo lang ako, Olivia. Darating na ako!"
Pagtatapos ng Unang Kabanata.