CHAPTER 11 Best Teen Bromance Novel Hindi ko na napaghandaang ang isang malakas at malutong na sampal na iyon na pinakawalan niya sa aking pisngi. "May mukha ka pang iharap sa akin pagkatapos mong makipagpustahan kung kanino ako dapat mapunta! Hayop ka!" singhal niya. Kasabay iyon ng masaganang pagbabay ng luha sa kaniyang pisngi. "Sigelang, kung galit ka sampalin mo ako hanggang mawala yung galit mo sa ginawa ko!" "Kung sana galit lang sana yung nararamdaman ko e, pero Boy nasasaktan ako sa ginawa mo!" "I'm sorry pero mali ang pagkakaalam mo!" "Talaga lang ha, alin ang mali doon? Kaibigan kita Boy e! Hindi lang kaibigan, bestfriends tayo pero anong tingin mo sa akin, throphy lang na puwedeng angkinin ng mananalo sa ba