CHAPTER 8 "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko habang nakatalikod akong isinusuot ko ang damit ko. Nahihiya at naasiwa pa din kasi ako sa tingin nila sa katawan ko lalo na kay Jino. "Duh, enrolment natin ngayon. Naku ha!" si Lexi. "Ah ngayon na ba 'yun?" Alam kong pawisan pa ang mukha ko nang hinarap ko sila. "Magpunas ka muna ng pawis sa mukha..." "Punasan mo muna ang pawis mo sa mukha." Halos sabay nilang sinabi iyon. Sabay din silang nag-abot sa akin ng hawak nila. Si Lexi, ang facial tissue at si Jino ang kaniyang panyo. Hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko, ang facial tissue o ang panyo? Walang gustong magbaba sa kanila. Kanino ba ang pipiliin ko? "Okey lang ako." Wala akong tinanggap sa iniaabot nila sa akin. "Puwedeng maligo muna? Sandali lang promise." "Sige hihinta