“SIGURADO ka ba na ayos ka na?” tanong sa kanya ni River habang naglalakad sila papunta sa maliit na pantalan kung saan naghihintay ang yate nito. Ngumiti si Iris at humawak sa kamay nito at bahagya iyon pinisil. In-adjust niya ang suot na sunglasses habang hinahangin ang suot niyang white beach dress. “Siguradong sigurado! Ikaw pa ang nag-check kanina ng blood sugar ko, ‘di ba?” “Oo nga. Hindi mo lang kasi maiaalis sa akin ang mag-alala.” “I’ll be fine, okay? Let’s enjoy this day. Bukas uuwi na tayo,” sagot niya. “Okay.” “Did you bring your transmitter?” tanong pa nito. “Yeah. Kabit ko mamaya pagkatapos mag-swimming.” Ngumiti sa kanya ang binata at umakbay pagkatapos ay hinalikan pa siya sa sentido. Natatawa na napalingon sila sa mga kaibigan na naglalakad na rin sa di kalay