“GINAWA mo talaga ‘yon?” gulat na tanong ni Iris. “Oo.” “Paano na ngayon siya?” “I don’t know, and I don’t care. Sinagad niya ang pasensya ko, pati tayo sinubukan niyang sirain. Paano kung tuluyan kang nawala sa akin dahil sa ginawa niya? Baka hindi lang ‘yon ang nangyari sa kanya.” “Paano ‘yan? Wala na siyang trabaho. Paano ang pamilya niya?” “Love may negosyo ‘yon. Pasalamat siya hindi ko ginalaw pati iyon pero kapag hindi pa siya nagtanda dito at may gawin ulit siyang kalokohan sa atin. I’m sorry but, gagawin ko ang lahat para mawala sa kanya pati ang negosyo niya.” Bumangon si Iris at pumihit paharap kay River. “Huwag naman, love. Paano na lang ang pamilya niya?” Marahas itong bumuntong-hininga pagkatapos ay bumangon din ito at sumandal sa headboard ng kama. “‘Yan ka n