KINAKABAHAN si Iris habang naglalakad papasok ng restaurant. Hinatid lang siya doon ni River, dahil nagmamadali ito hindi na nagawang bumaba pa nito para bumati sa ina. Pagpasok pa lang ng restaurant ay agad namataan ng kanyang mata ang ina ng nobyo. Parang nagliwanag ang buong paligid nang ngumiti ito matapos siyang nakita. Kasama nito si Rosie, ang nakababatang kapatid ni River. They were both smiling warmly as she approaches the table. “Hi Tita, good morning po,” magalang na pagbati niya dito. Nagbeso pa siya sa mga ito. “Good morning, hija. Kumusta ka?” “Mabuti naman po.” “Hi Ate Iris,” malambing na sagot na bati sa kanya ni Rosie saka nag-beso. “I heard what happened to you from Riv,” sabi pa ni Vanessa. “Oo nga ate, buti naipagtanggol mo ang sarili mo.” “Ayos naman