HABANG pinapatakbo nito ang big bike ay nakayakap siya sa bewang nito o kaya naman ay nakalapat ang kamay niya sa gas tank sa harap nito. O kaya naman, habang nakahawak ang isang kamay nito sa handlebar, ang isa naman ay nakahawak sa kamay niya. Sa tuwing kailangan nilang huminto sa mga stoplights, River will lean on her and put his hands on her legs, pagkatapos ay yayakap siya sa leeg nito. “Babe, hindi ka ba nahihilo?” tanong pa nito. “Hindi naman. I’m okay.” Bahagya itong lumingon sa kanya. “Sabihin mo lang sa akin kung may maramdaman ka na hindi maganda.” “Okay.” Sa halip na pumunta sa isang partikular na lugar. They just drive along the streets in the metro while the sun is slowly setting. And that moment reminded her of the time he took her a drive in Batangas. Kung saa