“AT MAY mukhang napapadalas ang pakikipag-date ng isa diyan.” Iyon ang bungad kay Iris ng mga kaibigan sa kanilang group chat. Napangiti siya matapos mabasa ang mensahe ni Alex na sinundan agad ng reaksyon ng iba pa nilang kaibigan. “Oo nga bebe time all day!” “Hindi naman kami dapat magkikita. Nagkataon na naipit si Sir sa meeting kaya ako ang inutusan magdala ng business proposal.” “Tapos deretso date?” “Sinamahan n’ya lang ako mag-grocery. Tapos sa bahay na kami kumain, date ba ‘yon?” “Hindi. Bahay-bahayan,” sabad ni Abby. “Ayan na naman kayo sa kakatukso n’yo,” natatawa na sagot niya sa mga ito. “Alam mo may napapansin ako sa inyong dalawa. Parang masyado kayong malihim, nagugulat na lang kami magkasama na kayo o lumabas na kayo,” sabi ni Josie. “Oo nga! Dati naman nag-s