“MAGPAGALING ka ha?” sabi pa ni Abby habang kausap ito ni Iris sa kabilang linya. Iris didn’t go to work that day. Iyon ay dahil sa kanyang dysmenorrhea. It was her second day, and the pain is just killing her. Kaya naman sinabihan siya ng nobyo na huwag nang pumasok at magpahinga na lamang. Sinunod niya ito at agad nagpaalam sa kanyang boss. “Oo. Salamat.” “Nasaan pala si jowa?” tanong pa nito. “Nasa home office niya, work from home daw muna siya habang masama pakiramdam ko. Sabi ko nga pumasok na lang sa opisina, eh ayaw daw niya akong iwan.” “Hay, thank you Lord talaga at binigyan ka Niya ng boyfriend na maalaga.” “Kaya nga eh, dati kapag wala kayo. Mag-isa lang ako sa bahay. Hirap kaya kumilos na masakit ang puson. Ngayon ayaw niya ako pabangunin.” “Kaya makinig ka sa kanya