“HUWAG kayo mag-aalala, Sir. Babalitaan ho namin kayo agad kapag nagkaroon kami ng lead. Marami na rin ho kaming natatanggap na reklamo dito sa lugar na ‘to dahil dumarami ang nabibiktima ng hold-up. Iyon ibang babaeng biktima ay nahihipuan pa.” “Bakit hindi ipagawa ang mga streetlights dito?” inis na tanong ni River. “Ilang beses na ho inaayos at pinapalitan ang ilaw diyan pero parang sadya ho na sinisira ng mga masasamang loob,” paliwanag pa ng pulis. “This can’t go on like this, Sir. Mabuti na lang at nakatakbo ng mabilis ang fiance ko, paano kung siya naman ang nabiktima?” sabi pa ni River. “Pasensya na ho, Sir. Pero ginagawa naman namin ang makakaya namin para pangalagaan ang mga residente dito.” Umangat ang kamay niya at sumenyas. “Sandali.” Matapos iyon ay kinuha nito