WALANG pagsidlan ng saya si Iris habang pauwi kasama si River. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kanina pa niya tinititigan ang singsing. This feels like a dream. Parang hindi totoo. Para siyang nasa isang magandang kuwento. Nang makarating sila sa basement parking ng gusaling tinitirahan ni River ay magkahawak kamay na sumakay sila sa elevator. Humarap si Iris sa nobyo at yumakap sa bewang nito. “Happy?” tanong nito pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. She rest her head on his chest and nodded without breaking that smile. “Very.” “Aayusin natin ang kasal sa lalong madaling panahon.” “I can’t wait to marry you,” sabi ni Iris. “Same, my love.” Pagpasok pa lang nila sa loob ng bahay. Biglang kinabig ni Iris ang mukha ni River palapit at mapusok n