“HI MAHAL, I missed you. Gusto ko nang umuwi para makasama ka.”
Napan giti si Iris matapos mabasa ang chat message ng nobyo. Kasalukuyan itong nasa US para sa month-long business trip kasama ang boss nito.
“I missed you too, mahal.”
“Sige, magpaloko ka pa.”
Bigla siyang napalingon at bumungad ang mukha ng kaibigan na si Trish at ang mata nito ay nasa screen ng kanyang phone. Mabilis niyang nilayo ang phone at muling tumingin sa repleksiyon sa salamin.
“Trish, I trust him, okay? Three years na kami ni Gary. Malalim ang foundation ng relasyon namin. Impossible na magloko siya,” depensa niya.
Iris met her boyfriend through a common friend sa isang event. Mula noon ay naging magkaibigan sila hanggang sa magkagustuhan. Eventually, it led them to dating each other.
Bumuntong-hininga ito. “Fine. Sabi mo eh.”
“Pero bebs, saan ka nakakita ng month-long business trip? Ano ‘yon bakasyon?” sabad naman ng isa pa nilang kaibigan na bading na si Alex.
“True!” sang-ayon ni Trish.
“Saka iyon nga na couple na mahigit ten years nang kasal nagloloko. Sa panahon ngayon, ang three years n’yo, maikli pa ‘yan. Anything can happen.”
“Ay, true ulit! Sa ngayon, kung sino pa ang chaka, siya pa ang may gana mambabae.”
“Sabi ko sa’yo, nasa pogi ang pag-asa ng mga single eh,” sabi pa ni Alex kaya natawa sila.
“Kayo talaga, masyado na naman bugbog si Gary sa inyo,” natatawa na lang na sagot ni Iris.
“Huwag mong sabihin na hindi ka namin winarningan kapag nalaman mo nagloko ‘yang jowa mo ah,” sabi pa ni Alex.
“Bilisan na nga natin at baka naghihintay na si Abby,” pag-iiba na ni Iris sa usapan.
“Nga pala si Victoria, pupunta ba daw?” tanong pa ni Trish.
“Hindi yata eh, naka-leave kasi siya ng isang buwan. Umuwi ng province nila
para alagaan ang Lola niya, nagkasakit daw kasi,” sagot ni Iris.
“Ah okay,” usal ni Trish.
“Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon at mga nag-aalisan ng isang buwan? Sana all talaga,” komento naman ni Alex.
Huminga ng malalim si Iris at saka pinagpatuloy ang pag-aayos. Matapos makuntento sa kanyang make-up ay inalis niya sa pagkakapusod ang buhok at nahulog iyon sa mga balikat. Dahil maghapon nakataas iyon, it formed a natural wavy effect.
“Oh, pak! Ang ganda ni ate mo girl,” puri sa kanya ni Alex.
Natawa si Iris. “Thanks,” sagot niya habang sinusuklay ng daliri ang buhok.
“Nuknukan na ng ul*l ‘yan si Gary kapag niloko ka pa! Saan siya makakahanap ng girlfriend na hawig ni Anne Hathaway?”sabi pa ni Trish.
“Kaya nga. Look at you, beautiful round pair of chocolate brown eyes, a perfectly curved nose. You have natural pink lips and skin as white as snow—”
“Ginawa mo naman si Snow White,” sabad ni Trish.
“Plus, your chocolate brown hair, and my goodness friend! Do I have to mention your perfect body?” dugtong pa nito.
Natawa si Iris nang hawakan ni Trish ang ilalim ng dibdib niya.
“Hindi lang ‘yon, pinagpala ka rin,” sabi pa nito.
“Grabe ‘yong pinagpala hindi naman ako kalakihan ‘yong akin cup B lang nga ako.”
“At least hindi flat,” mabilis na komento ni Alex.
“Aray ha?! Masakit ‘yon!” mabilis din na reaksiyon ni Trish kaya nagtawanan na naman sila.
“Wait, ‘yan lang ang isusuot mo sa party ni Abby?” tanong ni Trish.
Ang tinutukoy nito ay ang suot niyang short-sleeved navy blue na button down shirt dress na may tali sa bewang. Maganda at medyo revealing kasi ang suot nito.
“Kaloka, wala ka bang iba? Kasasabi lang ni Abby na gusto niya nakaparty dress tayo,” sabi ni Trish.
“Ano ka ba? Aattend ka ba ng PTA meeting?” biro pa ni Alex.
“G*ga,” natatawa na reaksiyon niya.
“Joke lang kasi! Meron akong suot sa loob,” sagot niya sabay taas ng laylayan ng suot para ipakita ang party dress na pinapatungan ng button down dress.
“Iyon naman pala.”
“Oh, tara na!” yaya ni Iris.
“Oo nga at baka may pumasok pa dito at palagitan tayo dahil pinapasok natin dito sa CR ng babae eh Alex,” sabi pa ni Trish.
“Hoy, babae kaya ako!” mabilis na reaksiyon ni Alex.
“Babaeng may lawit,” sagot ni Trish kaya natawa silang tatlo ng malakas habang palabas ng comfort room.
“Baklang ‘to, may p*ke ako, no?!”
“Saan tumubo? Sa noo?”
Natawa na naman silang tatlo. Pasakay na sila sa elevator nang dumating si Jigo Castillo, ang boss nila at CEO ng Castillo Construction Company, kung saan sila lahat nagtatrabaho.
“Hey guys, punta kayo sa party ni Abby?” tanong nito.
“Ay opo, Sir.”
“Kayo po?”
“Yeah, susunod ako doon. May kailangan lang muna ako bilhin,” sagot ni Jigo.
Mayamaya ay lumingon sa kanya ang lalaki.
“You look beautiful, Iris,” puri nito sa kanya.
“Thank you, Sir,” nakangiti na sagot niya.
Agad na naramdaman ng dalaga ang lihim na pagsundot sa tagiliran ng mga kaibigan sa kanya. Samantala, nakaramdam naman ng pagkailang si Iris dahil nakatitig lang sa kanya ang boss.
“Sir, baka matunaw si Iris,” puna ni Trish.
Doon lang ito kumurap saka tumikhim.
“Sorry, I can’t help it. Ang ganda kasi eh.”
“Yiee,” tudyo ng mga kaibigan sa kanila.
“Uh, Iris. Gusto mo sumabay na sa akin papunta sa birthday ni Abby?” tanong nito.
Magsasalita sana ang mga kaibigan nang mabilis niyang natakpan ang bibig ng mga ito sabay ngiti ng alanganin.
“Sir, pasensya na po. Dala ko rin kasi ‘yong sasakyan ko. Magkita na lang po tayo doon,” sagot niya.
“Ah ganoon ba? Sure.”
“Thanks po sa offer,” sagot niya sabay alis ng kamay sa bibig ng dalawa.
Nang makarating sa loob ng sasakyan ay agad silang umalis sa gusali na pinapasukan.
“Bakit mo dinecline ang offer ni Sir?” tanong ni Alex.
“Kailangan ko ba talaga sagutin ‘yan, Lex? Alam mo naman ang sagot,” sagot ni Iris.
“Sabi ko nga, may jowa ka.”
“Eh si Sir, hindi mo ba type? Matagal nang nagpapapansin ‘yan sa’yo. Halata naman gusto ka,” tanong pa ni Trish.
“Oo nga, pogi pa naman ni Sir. Mabait pa.”
“Hindi talaga eh. Hanggang kaibigan lang talaga siya. Please guys, I know you’re worried about me. But I will be fine. Kahit na magloko si Gary. I can handle myself, kilala n’yo ako.”
“Siya nga pala ang dapat namin alalahanin kapag nagalit ka,” sabi pa ni Alex.
“Right?” sang-ayon ni Iris kaya natawa na lang silang magkakaibigan.
NANG makarating sa hotel kung saan ang venue ng birthday ng kaibigan na si Abby. Agad silang dumiretso sa Ballroom A. Pagpasok ay bumungad sa kanila ang malakas na musika. Marami na rin mga bisita doon. Maliit lang ang lugar na pinagdarausan ng party ng kaibigan.
“Abby!” malakas ang boses na tawag ni Alex sa kaibigan.
Mabilis na lumingon sa kanila ito maging ang mga kalalakihan na kausap nito. Agad ngumiti si Iris at kumaway dito saka sila lumapit.
“Happy birthday, bebs!” bati nila dito saka ito niyakap.
“Thank you!”
“Hi Matt,” bati ni Iris sa nobyo nito saka yumapos sila sa isa’t isa.
“Hey Iris, long time no see!”
“Kaya nga eh.”
“Masyado kasing busy lately sa office.”
“Huy girl, hubarin mo na ‘yan. Nakapang-opisina ka pa,” sabi pa sa kanya ni Alex.
“Ay oo nga pala!”
“Ah, so sa office pa talaga kayo galing?”
“Oo,” sagot ni Iris habang inaalis ang mga butones na suot.
Eksakto na naghuhubad siya ng pang-ibabaw na damit nang biglang umatras si Matt. Sa likod nito ay saka lang napansin ni Iris na may lalaki pala sa likod nito.
“By the way, Iris. This is my boss, River Hidalgo.”
Saglit na natigilan si Iris. The name rings a bell. Napaisip siya kung saan narinig ang pangalan nito. Nang iabot nito ang kamay sa kanya ay agad iyon tinanggap ni Iris.
“Sir, this is Iris Jade. One of Abby’s close friends,” pagpapakilala sa kanila ni Matt.
“Nice to meet you, Iris.”
“Same here, River. Your name sounds familiar, hindi ko lang maalala kung saan ko narinig,” sagot niya.
Ngumiti lang ang lalaki ngunit hindi nito agad binitiwan ang kanyang kamay. Naramdaman pa niya ang pagpisil nito doon. Mayamaya ay lumapit si Matt at binulungan siya.
“Siya ang CEO at Chairman ng Hidalgo Group of Companies. Forbes named him as the number one richest man in the country, the famous billionaire.”
Napanganga si Iris.
“Oh my god, yeah! I apologize for my rudeness, I should’ve called you Sir,” natatawa na sagot niya.
“It’s alright. I love the way you pronounce my name,” sagot niya.
Ngumiti siya dito.
“By the way, nice dress,” puri ni River.
“Oh, thank you.”
Iris was wearing a two-piece coords black dress with a bit or ruffles for design. Mababa ang neck line ng crop top ng pang-itaas nito at lagpas ng kaunti sa tuhod ang katerno nitong palda na may slit pa sa kaliwang bahagi.
Nang sa wakas ay bitiwan nito ang kamay niya sumenyas lang ito na huwag maingay. Nawala na sa lalaki ang kanyang atensiyon nang magsalita si Alex.
“Kaloka din itong jowa mo, no? Bongga! Pinag-birthday ka sa hotel!”
“Yayamanin na talaga si Matt,” komento pa ni Trish.
“Sira, libre lang ‘to. Regalo sa akin ng boss niya,” sagot ni Abby.
“Wow, talaga?” gulat na reaksyon ng dalawa.
“Oo,” sagot ulit nito pagkatapos ay hinila sila sa isang tabi at bumulong. “Hindi ko ba naikuwento sa inyo? Boss ni Matt ang sikat na bachelor at bilyonaryo na si River Grayson Hidalgo.”
Napasinghap ang dalawa. “Hindi nga?”
“Oo! Pero huwag kayong maingay, medyo low profile ‘yong boss niya.”
“Buti naisama ni Matt dito.”
“Oo nga eh. Nagkataon kasi na hindi busy ngayon kaya sinama ni Matt dito.”
Nang magsimula ang party ni Abby. Napunta na sa pagkain at tawanan ang atensiyon ni Iris. Para silang mga bata na naki-join sa mga games at nanalo pa ng mga prizes. Patapos na ang party nang tumayo sa harap si Abby habang hawak ang mic.
“Guys, thank you for coming! Sa mga friends ko, sa mga officemates ko. Thank you! Alam ko busy lahat tayo pero siningit n’yo talaga ito sa schedule n’yo!”
“Abby, pa-sharon ng food ha!” sigaw ni Alex kaya nagtawanan silang lahat.
“Bakla ka talaga,” natatawa na komento ni Abby. “Anyway, sa family ko! Thank you. And of course, sa lablab ko, Matty! Thank you, my love, for this wonderful gift. Also, to boss, River! Siya talaga ang may regalo nitong venue kaya nakapag-birthday party tayo ng mashala dito sa hotel!”
Napalingon si Iris sa kanyang tabi nang biglang itaas nito ang hawak na wine glass at ngumiti. Naroon pala sa tabi niya ang lalaki.
“How long have you been friends with them?” narinig niyang tanong ni River.
“Around six years na rin. Sa trabaho na kami nagkakilala ni Abby, then became close friends and later on she introduced Matt to us.”
“They seem so fun to be with,” sabi pa ni River.
“Yeah. So blessed to have friends like them.”
Muling napako ang atensiyon ni Iris kay Abby nang biglang pumunta sa harap si Matt. Kasunod niyon ay may biglang nagplay ng video sa monitor na puro pictures ni Abby at Matt. Mayamaya ay nagsigawan sila nang lumuhod ang lalaki habang nakatalikod ang kaibigan nila. Kasunod niyon ay ang pagpropose ng kasal ni Matt. Naluha sa tuwa si Iris habang masaya silang pumapalakpak at pinapanood ang mga kaibigan.
“How about you? Got a boyfriend?” tanong ulit sa kanya ni River.
Ngumiti siya saka tumango.
“Yeah.”
“Gaano na kayo katagal?”
“Three years.”
“Three years? Matagal na rin. Any plans on getting married?” tanong pa nito.
Tinago niya ang lungkot sa ngiti saka umiling.
“Wala pa sa plano. Nag-iipon pa rin kasi kami,” sagot niya.
Hindi na niya narinig ito na magsalita. Hanggang sa bahagya siyang napapitlag nang bumulong ito.
“You’re too beautiful to settle for a man who has no plans for your future. If I were in his shoes, I’d ask you to marry me soon.”
Gulat na napalingon si Iris. The hairs at the back of her neck raised as she felt his warm breath touches her skin. Her heart beat faster when their eyes met and faces almost an inch apart. Her heart even beat faster when he gave her a seductive smile. Pakiramda niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Naramdaman ni Iris ang munting kuryente na dumaloy sa kanyang balat nang bahagyang dumikit ang kamay nito sa kamay niya. Matapos iyon ay tumalikod na ito at lumabas ng venue.
Iris left dumbfounded. What just happened? What was that? Bakit ganoon ang naging reaksiyon niya? Nilapat niya ang palad sa tapat ng puso. Hanggang ngayon ay wala pa rin hinto iyon sa pagpintig ng mabilis.
Nawala kay River ang kanyang atensiyon at bumalik kay Abby nang emosyonal itong lumapit sa kanila. Binati nila ang kaibigan.
“Uy ha, wala munang uuwi. May continuation pa tayo ng celebration sa taas,” paalala nito.
“Bebs, I’m ready to get drunk,” excited na sagot ni Trish.
Napunta sa kanya ang tingin ni Abby. “Huy, ikaw ha? Hahayaan ka namin dahil may okasyon, pero konti lang inumin mo. Alalahanin mo 'yang sugar mo.”
“Oo na, titikim lang. Saka bakit ako agad ang nakita n'yo?” natatawang tanong ni Iris.
“Ay hindi mapaparami ng inom 'yan, mukhang mag-eenjoy siya ngayon gabi,” may laman na sabi ni Alex sabay ngisi.
Kumunot ang noo niya. “Ano naman ‘yon?”
“Oh, huwag ka magmaang-maangan diyan. Akala mo hindi ko napapansin, kanina ka pa dinidikitan ng boss ni Matt.”
Natawa siya. Ang mga kaibigan naman ay tinukso sila.
“Bagay kayo!”
“Kayo, napaka bad influence n’yo! Alam n’yo na may boyfriend ‘yon tao.”
Natawa na naman si Iris nang halos sabay-sabay na umikot ang mata ng mga kaibigan.
“Oh please, Iris. Tigilan mo kami!” sagot ni Trish.
“And I’d be glad to influence you to leave your good-for-nothing boyfriend!” sabi naman ni Alex.
“Set up pa kita ng date sa boss ni Matt eh,” sabi pa ni Abby.
“Bakit ba kasi ayaw na ayaw n’yo kay Gary?”
“Hay naku ante! Sa tatlong taon na relasyon n’yo, palagi na lang ikaw ang nagbibigay ng regalo diyan! Mula sa cellphone, laptop, relo, pati sapatos! Ano ka ba? Sugar mommy n’ya?” naiinis na sagot ni Trish.
“Dinaig mo pa pagkabakla ko, bebs!”
“Ano ba kayo? I only believed in equal rights between men and women. Hindi dahil babae ako, hindi na ako magbibigay ng regalo.”
“Walang equality sa relasyon, bebs. Huwag mo kaming paikutin! Sa three years na ‘yon, wala kaming narinig na ikaw naman ang niregaluhan niya. At huwag mong ipagmamalaki sa amin ang tatlong piraso ng rose na binibigay n’ya sa’yo na nabili niya sa harap ng simbahan. T*ngina ginawa ka pang poon!” naiinis din na paliwanag ni Abby.
“Mahal ko, okay?”
“Hay t*ngina na pagmamahal ‘yan, napakabulag!”
Sa halip na mainis ay natawa si Iris. Hindi niya magawang kontrahin ang sinasabi ng mga kaibigan dahil walang kasinungalingan sa mga sinabi ng mga ito. Kung itatanong kung mahal ni Iris ang nobyo, ay sasabihin niyang oo. Pero mas higit na nanghihinayang siya sa panahon at effort na binigay para lang mag-work ang relasyon nila ni Gary. Kahit na minsan ay napapagod na rin siya.
“Girl, seryosong payo, okay? You deserve better. I hope you find a man who
will try to show his love for you. Hindi iyon ikaw ang palaging nag-eeffort gaya ng ginagawa mo diyan sa walang kuwentang Gary na ‘yan.”
“Walang ginawa ‘yan kung hindi magpalaki ng b*yag n’ya. Ngayon pa lang ganyan na siya, lalo na kung naging asawa mo.”
“True,” sang-ayon ni Trish.
Ngumiti si Iris at umakbay sa mga kaibigan. “Look, I appreciate that you worry about me. But trust me, I’ll be okay. Ang importante ngayon, itong birthday girl.”
“At alak!”
Nagsigawan silang apat.
“Tara inom na!”