IRIS screamed her heart out and tried to spread her hands in the air. Bigla siyang napayakap kay River nang bigla nitong bilisan ang takbo ng big bike nito. Natawa silang dalawa ng malakas habang binabagtas ang pribadong daan na iyon sa property nito papunta sa burol. It’s already past four in the afternoon. The sun is about to set. Naroon na sila sa beach resort nito sa Batangas. Pasado alas-nuwebe na sila ng umaga nagising. Nananghalian lang sila bago tumulak papunta sa beach. Pagdating doon ay nagpahinga lang sila pagkatapos ay naligo sandali sa dagat saka pumunta sa tunay nilang pakay. Nang sa wakas ay makarating na sila sa burol. Sinalubong sila ng malamig na ihip ng hangin. Agad nakaramdam ng lamig si iris dahil bukod sa maikling denim shorts ang kanyang suot. She’s only wearing