Lust 3

1128 Words
 "Iniiwasan mo ba ako?" Hindi halos akalain ni Hazel na makakasabay niya sa elevator si Gerald mula ground floor to 20th floor, wala ring sumasabay sakaniya kapag nakikita na si Gerald sa elevator bukod sa ayaw nitong may kasabay na ibang empleyado. "I'm not busy lang ako dahil sa bobo mong mga empleyado, walang alam kundi mag selfie mag status mag story na nag tatrabaho sila pero ni isa walang tamang tinatrabaho.""I don't care, sagutin mo yong tanong ko para mag ka liwanagan tayo!" Hinawakan siya nito sa braso. "Ano ba! Nasa public area tayo! Baka may makakita pa saatin!" Pilit niyang pag iwas sa lalaki. Pero mas lalong hinigpitan ni Gerald ang braso niya. "Bakit mo ako tinatanggihan?!" Wika ni Gerald at bigla siyang tinulak sa kabilang dulo ng elevator. "Gerald ano ba! Makikita tayo! Gusto mo bang pag usapan tayo sa trabaho? Gusto mong masira pangalan mo at malaman nilang kabit mo ako ha!?" Pilit nanlaban si Hazel at doon Binitiwan siya nito, hanggat maaari nag mamatigas siya sa harapan nito. Pasimple niyang sinilip ang kaniyang braso at doon nakitang namumula at napaka sakit. "Malaman ko lang na may lalaki ka at mag hanap ka ng gagalaw sayo I will kill him" pananakot nito kay Hazel. Aminado siyang natatakot siya sa lalaki dahil sa pagiging Possessive at agresibo nito. "Mangilabot ka sa sinasabi mo! Kapal ng apog mong sabihin yan saakin inaraw araw mo ako noon!"Hindi niya napigilan ang pag sigaw.Bumukas ang pinto ng elevator pa 18th floor at tumahimik sila saglit dahil may taong nag aantay pero hindi sila sinamahan sa loob. Sa muling pag sara ng pinto doon sumagot si Gerald at hinawakan muli ng napaka higpit ang braso niya. "What!? Ikaw pa may ganang magalit saakin? Tandaan mo Hazel utang mo lahat sakin 'tong posisyon mo yang diploma mo yang buong pag katao mo!" Mariing binitiwan siya nito at napa ngiwi si Hazel dahil nabunggo ang likuran niya. "Kaya, kahit hubaran kita ngayon dito gagawin ko!" Pilit itinago ni Hazel ang mga luhang nag babadyang bumagsak dahil sa sakit ng ginawa nito sakaniya. Pag bukas ng pinto, nagulantang si Gerald ng mukha ng Asawa niya ang bumugad sakanila. "May problema ba? Sumaktong aalis na sana ako dahil ang tagal mong dumating babe." Saad ng asawa ni Geral at pumalupot ang kamay nito sa braso ni Gerald. Humalik si Gerald sa babae at hinawakan ang mahaba nitong buhok. "Nothing wife, na sermonan ko lang ang empleyado ko Diba Hazel?" Nag taka si Hazel na tumingin sa dalawang nasa harapan niyang tumingin sakaniya. "Ye-yes sir, excuse lang po Ma'am and Sir" yumuko ito at dumiretso sa pag lalakad. Nag madaling mag lakad si Hazel para marating ang opisina niya, samu't sari ang kaniyang nararamdaman dahil sa sampal na kaharap niya ang Legal Wife nito. Pag tapos ng Anim na taon ngayon lamang nakita ni Hazel ang asawa ni Gerald. Ang babaeng nakasalubong nila ay si Jenica Baranchea Dela Peña the Legal Wife of Gerald Dela Peña. Mag kasing edad ang mag asawa, 39 years old. Maagang nag pakasal si Gerald dahil sa fix marriage sa pagitan ng Baranchea at Dela Peña Corporation, kaya't pinag kasundo silang dalawa ni Jenica para mag pakasal. Pero pabor kay Geral na pakasalan ito dahil mahal niya ang babae. Isang mahinhin at hindi makabasag pinggan ang babae, mayroon silang isang anak dahil ang pangalawang baby nila ay nahulog dahil sa maselan na pag bubuntis ni Jenica. "How's your day babe?" pag tanong ni Jenica at umupo sa tabi ng asawa. "Maraming meetings mahal, palagi naman nakakapagod. How about our son? Where is he?" Pag tukoy nito sa 7 year old son nila. "Kasama ni Mommy nag papabili nanaman ng bagong PSP" "Teka kumain kanaba?" Tanong ni Gerald"Oo, mahal wag ka sanang magalit ha may sasabihin sana ako" Pag lapit niya kay Gerald at hinawakan ang braso nito. "Ano 'yon?""'Wag ka sanang harsh sa mga employees mo , tulad kanina mukhang nag pipigil lang ng iyak 'yong babae kawawa naman" Buong akala niyang ordinaryong empleyado lang ni Geral si Hazel. "Nope, sa lahat ng empleyado ko siya ang matibay at sanay na sa mga sermon ko. Dalawa silang hard headed Finance Head ko dito. Kaya natural lang silang masabihan." Pag lambing niya sa asawa niya. Tumango lamang ang asawa niya. Hinatid ni Gerald ang asawa sa mall para mapuntahan nila ang only child nilang si Stephen. Samantalang si Hazel nasa loob ng office ng kaibigang si Lyka. "Oh my god! So siya ang asawa? Sis ang ganda niya ang hinhin mukhang hindi dapat niloloko ni Gerald yon!" Habang tinititigan niya ang kaibigan."Walang kasing sakit" nakatulala nitong sambit"Boba ka kasi, sinabi ko na sayo stop it! Walang patutunguhan ya'ng relasyon niyo umaasa ka sa wala? Ni minsan Hazel never kapang sinamahan niyan overnight kasi alam mo sa sarili mong may inuuwian siyang pamilya at hindi ikaw yon!" Para bang mas masakit pa sa sampal ang sinabi ng kaibigan pero ito parin si Hazel patuloy na nag bubulag-bulagan kay Gerald."Hindi ko siya maintindihan, kasi sabi niya kanina kapag may lalaki ako papatayin niya" nalilitong tanong nito. "Panakot lang niya 'yon dahil alam niyang tanga ka, isa pa alam niyang mahal mo siya dagdag mo pa ang s*x satisfaction o pantasya niya sayo Hazel. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Mukha kang talagang kabit, hindi ibig sabihin na kaibigan ako magiging kakampi mo ako. Nasa tama ako Hazel, Tigilan mo na hanggat hindi ka pa nabubuntis dahil sa kaggahan mo." Saad nito.Pinag masdan niya ang sarili sa salamin, doon nga niya nakita kung gaano siya ka-cheap. Blonde hair, heavy make-up at kulang nalamang mag hubad sa sobrang ikli ng kaniyang Dress."Kaya ka tinaguriang pantasya ng mga binatilyo dito sa office hello Hazel? Kung alam mo lamang palagi kang minamanyak ng mga kalalakihan. Sana naman respetohin mo ang sarili mo, hindi kita nakilalang ganiyan." saad ng kaibigan nito at inirapan siya. "Mahal ko siya kaso nong nakita ko 'yong asawa niya naawa ako" Hindi padin niya nakukuha ang mga sinasabi ng kaibigan kahit na sobrang tagos na ito sa kaniyang buto."Totoo lang? Tigilan mona Hazel. Kung sayo mangyari yan alam mong napaka sakit. Magulo na nga yang sarili mong buhay pamilya dagdag kapa sa panggugulo sa ibang pamilya. At kung ikaw ang kabit ng asawa ko hindi kita mapapatawad." Sagot ng kabigan nito. "Maninira lang talaga ako ng pamilya 'yon lang siguro role ko sa mundo" yumuko ito at binawasan ang kolorete sa mukha."Hay nako hindi ko alam sayo, single ka naman nag pupumilit kang mag tyaga sa lalaking married at may anak! Tigilan mo na ang kahibangan, kahit kailanman hinding hindi ma-papasayoa ang puso niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD